Pumanaw na ang veteran theater and film actor na si Junix Inocian. Natagpuan siyang wala nang buhay sa kanyang flat sa United Kingdom noong June 13, Sabado. Siya ay 64 years old. Si Junix ay nakilala nang husto nang mapabilang siya sa original cast ng West End musical na Miss Saigon, kasama sina Lea Salonga, Monique Wilson, at Isay Alvarez, noong 1989. Mula sa pagiging miyembro ng chorus ay ginampanan niya ang importanteng papel bilang The Engineer.