Hindi pa raw napapanood ni Jean Garcia ang kahit isa mang episode ng remake ng Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN. Pero may mga nakakarating naman daw sa kanyang feedback tungkol sa show, lalo na sa gumanap ng kanyang role dati bilang Madam Claudia Buenavista na si Angelica Panganiban. Mensahe pa ni Jean sa Kapamilya star: "Be yourself. Magaling kang artista. Pagbutihan mo ‘yang ginagawa mo."