Anak ni Mayor Herbert Bautista, napagkakamalang si Mario Maurer

IMAGE Instagram

May funny experience si Race Matias nang pumunta siya sa isang mall dahil may grupo ng squealing girls na lumapit sa kanya at ipinagpilitang siya ang popular Thai actor na si Mario Maurer.

"No, Iā€™m not," ang sagot ni Race.

Pero hindi nagpaawat ang young fans na humiling pa rin ng photo op na kasama siya.

Si Race ang 21-year-old son nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Eloisa Matias.

May resemblance si Race kay Mario at pareho silang 5ā€™10 ang height kaya marami ang nakakapansin at nagsasabing magkahawig ang dalawa.

Maging direktor ang pangarap ni Race dahil nagtapos siya ng film course sa New York Film Academy.

Pero nakita ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment ang kanyang malaking potensiyal bilang leading man.

Para kay Boss Vic, lead-star material, hindi pang-comedy o kontrabida si Race dahil nakita rin niya ang star at heartthrob qualities ng anak nina Herbert at Eloisa.

Si Tom Hardy ang favorite actor ni Race at mga malalalim na character ang mga gusto niyang gampanan sa TV at pelikula.

Walang apprehension si Race sa pag-arte sa harap ng kamera dahil magagamit niya ang kanyang mga natutunan sa isang taon na pag-aaral ng conservatory acting sa New York.

For the meantime, habang pinag-aaralan pa niya ang setting sa Philippine Cinema, on-hold muna ang directorial plans ni Race para mag-concentrate sa kanyang acting career.

Pumirma si Race ng exclusive contract sa Viva Artists Agency at binigyan na siya ng acting project ng kanyang mother studio.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN