JK Labajo, nagmura at nag-dirty finger sa Rakrakan 2019

IMAGE Gorgy Rula

GORGY RULA: Pinagkaguluhan nang husto si Juan Karlos “JK” Labajo sa unang gabi ng Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati.

Ayon sa isang kaibigang nanood sa dalawang gabi ng rock music fest, ibang klase ang dating sa mga tao ng kantang "Buwan."

Sinabayan nila ang kanta!

May manonood na paulit-ulit na sumigaw ng “I love you, Darren!” Napikon si JK.

Sabi ng young singer, “Ay! Kami nga pala ang Juan Karlos.

"Ako nga pala si JK... Ito nga pala si p*t*ng ina mo!

“Ako nga pala si JK. Tigilan mo na ‘yan. Ayokong marinig ‘yang pangalan na ‘yan! Nakakabuwisit!

“Ako nga pala si JK. Siya nga pala si Marcus. Siya nga pala si Clark. Yun nga pala si Gian.

“Ikaw yung p*t*ng inang sigaw nang sigaw, kanina ka pa!

“Kayo nga palang mabait na audience, pwera ikaw, p*t*ng ina mo.”

Nag-dirty finger si JK.

Sinusundan ba ni JK ang mga yapak ni Baron Geisler?

So, JK ay hindi "Prince of Pinoy Rock"... kundi "Baron of Pinoy Rock"?!

JERRY OLEA: Unfair na sabihing si JK ang bagong Baron.

Nabastos si JK kaya napikon siya, nagmura, nag-dirty finger.

Puwede kayang mag-showdown sina JK at Darren sa 2nd edition ng Pinoy Playlist musicfest? Malabo!

Mabuti pa, magsama sa isang set sina JK at Bamboo. At ang makasama ni Darren sa isang set... si Jed Madela.

NOEL FERRER: Pagkatapos umarte sa mga teleserye, gaano katotoong mas gusto nang mag-concentrate ni JK sa pagkanta?

Bakit hindi? Big hit at mayroon na siyang original anthem na kinakanta ng lahat... ang "Buwan."

Ang sabi ng maka-JK na wagas ang pagtatanggol noon sa idolo nila sa bantang idedemanda raw ni Darren Espanto, “Sana, makahanap din si Darren ng anthem niya maliban sa 'Chandelier.'”

GORGY RULA: Noong Valentine’s Day, nag-post si Juan Karlos sa socmed ng litrato ni Maureen Wroblewitz na ang caption, “ang aking Buwan.”

Heart icon ang comment ng dalaga.

Pero ang hirit ni Rex Belarmino, manager ni Maureen, hindi para kay Maureen ang kantang yun. Friends lang daw ang dalawa.

Aware si Rex sa pagkaka-link ng Asia’s Next Top Model winner at Eat Bulaga! co-host kay JK, pero wala raw ligawan. Matagal na raw silang magkaibigan.

Naging comfortable si Maureen kay JK dahil pareho silang may German blood, at nagdyi-German sila pag nag-uusap.

Pero friends lang daw ang dalawa, kaya nang pinakiusapan ni JK si Maureen na lumabas sa music ng Buwan, kaagad daw niya itong pinagbigyan bilang suporta na rin sa singing career ni JK.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN