Benjamin Alves, tumangging magsalita tungkol sa breakup nila ni Julie Anne San Jose

IMAGE Jojo Gabinete

"Sorry, I cannot answer that question."

Ito ang polite answer ni Benjamin Alves nang tanungin tungkol sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Julie Anne San Jose.

Iginalang naman ng entertainment writers ang desisyon niya, lalo na ngayong ipinagluluksa pa rin ng aktor ang sudden death ng kanyang ama noong October 2018.

Bakas sa mga mata ni Benjamin ang nararamdamang lungkot nang mapag-usapan ang kanyang tatay, na inspirasyon ng tula niyang may pamagat na "Mga Nais Kong Sabihin Ngunit ‘Di Ko Nasabi."

Tribute ni Benjamin sa kanyang mga magulang ang tula, na tagos sa puso at tungkol sa wagas na pagmamahalan ng tatay at nanay niya.

Nang mapanood ng ina ni Benjamin ang visual poetry ng kanyang anak, ang boses ng pumanaw na asawa ang narinig niya. Ganito rin ang reaksiyon ng aktor.

Sa tanong kung nakadagdag ba ang breakup nila ni Julie Anne sa sakit ng pagkawala ng kanyang ama, ito ang sagot ni Benjamin:

"I would like to think na separate yung dalawa na yun.

"It would be a disrespect to Julie Anne kung sasabihin ko na mas nahirapan ako para sa Daddy dahil those two things were very separate for me.

"I don’t think it could get worse. I lost my dad, I wasn’t able to say goodbye to him.

"I’m trying to keep it together now.

"Mahirap ho, if you’re expecting tears, it’s not gonna happen.

"But it’s hard, super difficult, at it takes out a lot of me not to breakdown.

"Pero they’re both painful experiences."

May guilt ka bang naramdaman nang mawala ang tatay mo?

"I think that happens all the time na, when you lose somebody na you weren’t able to talk to, kasi nasa trabaho ako," matapat na sagot ni Benjamin.

Sa tanong kung may time pa siya para muling magmahal, nagsalita si Benjamin ng: "There’s not yet time for anything for me except to be a good son and take care of my mom.

"Wala pa sa isip ko talaga 'yan.

"I don’t think I have the capacity or the mental health or the emotional health to do anything but try to find normal for myself first.”

Sa huli, pinasalamatan ni Benjamin ang entertainment writers na naiintindihan ang sitwasyong pinagdaraanan niya dahil mula nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama noong October 2018, ngayon lamang uli siya nagpaunlak magsalita.

"I have to thank you guys for being so graceful and for being so understanding," sabi ni Benjamin, na ginagamit na therapy ang pagtatrabaho para mawala ang emptiness na kanyang nararamdaman.

[ArticleReco:{"articles":[news_71709,news_71758,pepalerts_23921,news_72420]}]

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN