Dingdong, kinumpirmang malapit nang manganak si Marian

IMAGE Noel Orsal

Ang nalalapit na pagsisilang ni Marian Rivera sa kanilang first baby boy at ang future ng panganay nila na si Zia ang ilan sa mga kinumusta ng entertainment writers kay Dingdong Dantes.

Hindi sinabi ni Dingdong ang exact due date ng delivery ni Marian, pero kinumpirma niyang malapit na malapit na ang panganganak ng kanyang asawa. 

"In a few weeks or almost a month. Medyo malapit-lapit na talaga kaya hindi na ako puwedeng masyadong lumayo-layo sa Metro Manila," pahayag ni Dingdong.

Ibinalita rin ng actor na, last minute, may pinagpipilian sila ni Marian na pangalan para sa second child nila.

Gabi-gabi, may novena at nagdarasal ng Holy Rosary ang mag-asawa para sa ligtas na pagsisilang ni Marian na dahilan para maging curious at magtanong si Zia. 

"Curious siya kung bakit ginagawa namin at bakit kailangan gawin yun, ipinapaliwanag namin."

Nandoon yung curiosity niya para makinig at naiintindihan niya," sabi ni Dingdong.

Pangarap ng aktor na manatiling grounded ang panganay nila ni Marian.

"That's hers" naman ang sagot ni Dingdong nang tanungin tungkol sa ginagawa niya sa mga product endorsement earnings ni Zia.

"My duty is to protect and make sure that hindi maglaho yun. Kailangan mas dumami pa dahil sa kanya talaga yun."

Opisyal na ipakilala si Dingdong ngayong hapon, March 8, bilang brand ambassador ng Persian Avenue, ang fastest growing food company ng magkapatid na Arjay at Paolo Lapid ng Angeles, Pampanga.

Trivia: Dati nang tinatangkilik ni Dingdong ang Persian Avenue bago pa niya natanggap ang alok na maging celebrity endorser.

Para kay Dingdong, pride and pleasure niya mapiling bilang brand ambassador kaya may plano rin siyang magkaroon ng franchise ng food store na may 44 branches nationwide.

Naniniwala naman sina Arjay at Paolo na bago matapos ang 2019, matutupad ang target nilang magkaroon ng 150 branches.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN