James, nagkuwento tungkol sa bathtub moment nila ni Nadine

IMAGE Instagram

Positive ang mga feedback sa pag-amin ni James Reid na "living together" sila ni Nadine Lustre sa March 10 guesting niya sa Gandang Gabi Vice.

Marami sa mga kababaihan ang kinilig at nangarap magkaroon sila ng boyfriend na katulad ni James, na hindi natakot aminin sa national television ang katotohanang malinaw na sagot sa mga nagtanong kay Nadine sa presscon ng Ulan noong February 23, 2019.

Ngayong gabi, March 11, ang magkasunod na red-carpet premiere ng Ulan sa SM Megamall Cinema, 5 P.M., at sa TriNoma Cinema, 7 P.M.

Dadalo si James sa premiere ng pelikula nina Nadine at Carlo Aquino, kaya inaasahan na ang mainit na rebelasyon niya sa Gandang Gabi Vice ang itatanong sa kanya.

Hindi lamang ang pagsasama nila ni Nadine sa iisang bubong ang inamin ni James sa Sunday night talk show ni Vice Ganda.

Nagkuwento rin siya tungkol sa sabay na pagbababad nila ng kanyang girlfriend sa isang bathtub nang walang anumang saplot nang magdiwang sila ng third anniversary ng kanilang relasyon sa isang health and wellness resort sa Lipa City.

Titillated na titillated si Vice habang nagkukuwento si James tungkol bathtub scene.

Hiniling pa niya kay James na magkaroon sila ng re-enactment tungkol sa posisyon ng dalawa (James at Nadine) habang nakababad sa bathtub.

Ang vivid description ni James ang nag-udyok sa televiewers na mag-research tungkol sa bath tub na biglang naging kontrobersiyal, tulad ng nangyari sa nude pictorial nina Troy Montero at Aubrey Miles sa nabanggit na wellness resort noong March 2018.

Hindi nakapagtatakang maging in demand sa mga guest ng wellness resort ang kuwarto at bath tub na ginamit nina James at Nadine noong naraang buwan.

Nang magpunta kami sa nasabing resort noong June 2018, ikinuwento ng mga empleyado na ang kuwartong tinuluyan nina Aubrey at Miles ang special request ng kanilang mga guest na intrigang-intrigang maranasan at makita ang pinagdausan ng nude pictorial ng celebrity couple.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN