Ai-Ai delas Alas, ilang beses muntik bitawan ang Ex Battalion

IMAGE Noel Orsal

Open secret na pumasok sa isip ni Ai-Ai delas Alas na bitiwan ang pamamahala sa showbiz career ng Ex Battalion, pero hindi natutuloy dahil umiral ang kanyang pagiging mapagmahal na ina.

Tanggap na ni Ai-Ai na normal na magkaroon ng mga pasaway na anak ang mga magulang kaya mas malawak na ngayon ang pang-unawa niya sa mga miyembro ng Ex Battalion, na introducing sa S.O.N.S. of Nanay Sabel, ang Mother’s Day offering ng Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Madalas gusto ko nang mag-give up, pero parati kong iniisip na mga anak ko sila na hindi perpekto.

"Kasi lahat ng mga anak, kailangan gabayan kaya yung mga pagkakamali nila, isinasantabi ko muna para sa kapakanan nila, kasi nanghihinayang ako sa talent nila.

"Ayokong mapunta lang sa basura yung ganito kaya tinitiis ko kung anuman yung mga pagkakamali nila and, in fairness sa mga bata, nagso-sorry naman sila sa akin every time na nakakagawa sila ng kasalanan.

"Magagaling na mga artista ang Ex Battalion, pero mga pasaway.

"Kahit anong sabihin natin, kahit marami silang bashers at haters, hindi natin maikakaila na ang mga bata, e, mahuhusay talaga, hindi lang sa pagra-rap.

"Sila rin ang gumagawa ng kanta nila and, surprisingly, magagaling din silang artista," pahayag ni AiAi.

Aminado si Ai-Ai na naloka siya sa shooting ng S.O.N.S. of Nanay Sabel dahil may mga eksenang inabot ng Take 10 at Take 17 bilang hindi pa gamay ng Ex Battalion members ang bagong mundo na pinasok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sinabi ni Ai-Ai na kung ibang mga artista ang kasama niya sa eksena na paulit-ulit ang take, malamang na nag-walk out na siya.

Pero nangibabaw ang kanyang pang-unawa dahil mga rapper at hindi mga aktor ang Ex Battalion.

Confident ang Comedy Queen ng Pilipinas na magugustuhan ng moviegoers ang S.O.N.S of Nanay Sabel dahil kapupulutan ito ng mga aral, 'tulad ng kanyang 2003 blockbuster movie na Ang Tanging Ina.

Natatandaan ni Ai-Ai na malakas ang ulan nang magbukas sa mga sinehan noong May 28, 2003 ang Ang Tanging Ina dahil Signal No. 3 ang tropical storm na binigyan ng pangalan na Chedeng.

Kaya napaiyak siya sa sobrang kaligayahan nang matanggap niya ang phone call mula sa isang executive ng Star Cinema na nagbalitang certified blockbuster ang kanyang pelikula.

"Hindi Signal Number 1 or 2, Signal Number 3 ang bagyo noon and yet, blockbuster ang Tanging Ina.

"Kaya naniniwala ako, I trust the Lord na kung ano ang plano Niya para sa grupo na ito, yun ang mangyayari," punumpuno ng pananampalataya sa Panginoon na sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close