BiGuel, hirap pigain tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila

IMAGE Gorgy Rula

GORGY RULA: Ang hirap palang pigain itong magka-love team na Miguel Tanfelix at Bianca Umali tungkol sa kanilang totoong relasyon magmula nang pinag-partner sila ng GMA-7.

Hindi kasi namin sila nagisa noong nagpa-presscon ng Sahaya.

Pero nang nakatsikahan namin sila sa shooting ng pelikulang Family History, doon lang namin sila natanong tungkol sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinasabi kasi nilang dalawa na never naging sila.

Sa loob ng walong taong pagsasama nila sa trabaho, naging close sila at ginamit din nila ang standard line na, “What you see is what you get.”

Sabi ni Miguel, “Kung ano po yung sinasagot namin before, ganun din po kami… na masaya kami kung anong meron kami.

“Kung ano yung nakikita ninyo sa amin ni Bianca, yun na po yun.”

Dahil sa mas close sila ngayon sa Sahaya, puwede kayang magkainlaban na sila rito?

Safe na sagot ni Miguel, “Ayoko naman pong pangunahan ang future, puwedeng oo, puwedeng hindi. Depende sa sigaw ng aming feelings.”

Napangiti lang si Bianca nang hiningan namin ng reaksiyon kung posibleng magkadebelopan na sila rito ni Miguel.

Safe ding sagot ni Bianca, “Kaming dalawa po kasi ni Miguel, we basically grew up with each other.

“Nasanay kami na… ngayon naman ay ginagawa pa rin namin lahat na ginagawa namin noong magkasama kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It helped our relationship with each other. Iba na po kung paano kami mag-usap ngayon.”

Nakakapag-open na raw si Bianca kay Miguel ng mga personal niyang isyu at nagbibigay raw ng payo ang Kapuso young actor.

Thankful silang dalawa sa GMA-7 at sa fans dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang love team, nandiyan pa rin ang tiwala sa kanila.

Maganda rin ang kinalabasan ng pagsasama nila sa Sahaya.

“Nagpapasalamat po ako sa GMA at siyempre sa mga supporters na hindi po sila nawawalan ng tiwala sa amin ni Bianca,” saad ni Miguel.

Bukod sa Sahaya, isinama ang BiGuel loveteam sa pelikulang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta. 

Kasama rin sila sa horror film ng APT Films at GMA Pictures na Banal.

JERRY OLEA: Kapani-paniwalang magkaibigan sina Bianca at Miguel, lalo pa’t wagi na sa NUTAM ang TV series nilang Sahaya, at meron pa silang mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I wonder kung humihingi si Bianca kay Miguel ng payo kaugnay sa isyu sa kanila ni Ruru Madrid. Hindi na siguro kailangan.

In fairness, behaved si Ruru. Wala akong naririnig sa kanya para mabulabog o maghuramentado ang BiGuel fans.

Sa takbo ng mga pangyayari, pakiwari ko ay si Bianca ang mas makapagpapayo kay Miguel.

Independent at empowered ang dating ni Bianca.

After all, ang Sahaya ay si Bianca—hindi si Miguel.

NOEL FERRER: Nasabi ko na ito, at sasabihin ko ulit... Given the right career moves, training, and discipline, Bianca will go a long way in terms of being an actress—more than her partners and sunflowers.

And, I thank you!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close