Jose Manalo, makakasama nina Cherie Gil at Heart Evangelista bilang StarStruck judge

IMAGE Allan Sancon


GORGY RULA: Ongoing na pala ang elimination ng StarStruck 7 ng GMA-7, na magsisimulang umere sa susunod na buwan.

Ayon sa nasagap ko, hindi si Wally Bayola ang isang judge ng reality-based artista search kundi si Jose Manalo.

Makakasama niyang uupo bilang hurado sina Heart Evangelista at Cherie Gil.

Ngayon pa lang ay mas kabado raw si Jose kay Cherie, hindi sa kanyang responsibilidad bilang judge.

Si Dingdong Dantes pa rin ang host at si Jennylyn Mercado ang kanyang co-host.

Ang paborito ni Sir Noel Ferrer na si Kyline Alcantara ang online host.

Ang daming magaganda at potential stars ang napili sa audition kaya inaasahan nilang mas exciting itong pagbabalik ng StarStruck sa season 7 nito with new batch of judges.

Hindi pa nila masabi sa ngayon kung kailan sa June magsisimula ang StarStruck dahil balak sana ni Dingdong na magbakasyon muna sila ni Marian Rivera at ang dalawang anak nilang sina Zia at Ziggy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Abangan na lang natin ang announcement ng GMA 7 kung kailan magsisimula umere ang talent-reality search na StarStruck: Dream, Believe, Survive!

JERRY OLEA: Hmmn, kaya ba si Jennylyn ang kinuhang partner ni Dingdong sa Pinoy version ng Descendants of the Sun ay para swak ang schedules nila?

Teka! Maituturing bang sikat na ang Final 4 ng StarStruck Season 6 na sina Klea Pineda, Migo Adecer, Ayra Mariano, at Elyson de Dios?

Ang Final 5 ng StarStruck Season 5 ay sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Diva Montelaba, Rocco Nacino, at Enzo Pineda.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN