Leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun, di pa kumpirmado

IMAGE GMA Network

GORGY RULA: Nagsimula nang maghanda ang GMA-7 para sa malaking drama series ni Dingdong Dantes, ang Pinoy adaptation ng Koreanobelang Descendants of the Sun.

Nitong Hunyo 20, Huwebes ng umaga, ay nagkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA-7 at Armed Forces of the Philippines bilang magka-partner sila sa paggawa nito.

Isang sundalo ang role ni Dingdong at malaki ang partisipasyon ng Armed Forces kaya sila ang gagabay sa taping nito.

Pahayag ng Kapuso Primetime King, “Klaro muna na partners namin sila dito.

"Nandiyan sila para gabayan kami dahil aside from representing characters na na-create ng Descendants of the Sun, ni-represent din natin ang ating Armed Forces.

"So, we want to represent them with honor and pride. Kailangang gawin nang tama."

Bukod sa executives ng GMA-7 at taga-AFP na si Major General Bienvenido Datuin, dumalo rin sa contract signing ang ilang nasa cast na sina Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino.

Halos buo na ang cast pero hindi pa nila sinasabi kung sino talaga ang leading lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jennylyn Mercado ang lumabas na pangalan pero hindi pa nila kinumpirma, dahil may kailangan pa raw hintayin.

“Meron pa raw yatang hinihintay,” nakangiting sagot ni Dingdong nang tinanong namin bakit hindi pa rin ma-announce kung sino ang magiging leading lady niya.

Pagkatapos ng contract signing niya sa GMA Network ay tumuloy si Dingdong sa SM Aura para sa contract signing din sa bagong endorsement niyang Mesa Restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: Nakaatang kay Dingdong Dantes itong mga responsibilidad na ito—sa bagong teleserye, bagong endorsement at kahit na sa StarStruck—para magmarka.

Like his wrap around environment show, Dingdong manages to make things fly.

We always wish him the best!

JERRY OLEA: Meron pang TV series si Jennylyn na Love You Two katambal si Gabby Concepcion.

Bongga ang ratings nito sa NUTAM, kaya pakiwari ko ay mae-extend ito.

Bet ko na si Carla Abellana ang maging leading lady ni Dingdong sa Pinoy version ng Descendats of the Sun

E, dahil host din si Jennylyn ng 7th season ng StarStruck, ito na rin ang itinambal kay Dingdong sa DotS.

Ewan... pero parang nagulo ang programming ng Kapuso Network sa primetime dahil sa nangyari kay Eddie Garcia sa Rosang Agimat.

Tigil-taping muna ang nasabing teleserye, at malamang sa alamang na ma-shelve.

E, nalalapit na ang pagtatapos ng Kara Mia.

Kung “frozen delight” muna ang Rosang Agimat, dapag mag-taping na ang Descendants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaso, nasa Love You Two pa si Jennylyn.

Oh, well... must we connect the dots?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close