Dingdong Dantes, super proud sa breastfeeding advocacy ni Marian Rivera

IMAGE @dongdantes Instagram

GORGY RULA: Proud na proud si Dingdong Dantes sa pinagkakaabalahan ni Marian Rivera na pagdu-donate ng gatas sa mga nanay na hirap magpa-breastfeed sa kanilang sanggol.

Nasa Instagram ng isang close friend ng mag-asawa na si Dingdong ang abala sa pag-pack ng mga gatas ni Marian na inilalagay sa thermo chest.

Tumutulong din si Zia sa paglalagay ng mga yelo.

Sabi ni Marian sa video na iyon, “Sobrang dami, e. Alam kong marami ang nangangailangan, at hindi lahat na mga mommy makapag-produce ng ganito kadami.

“Kaya gustung-gusto kong i-share ang milk ko sa mga nangangailangan.”

Ikinukuwento rin niyang habang nagpa-pump siya ng gatas, si Zia naman ang nagbabantay kay Baby Sixto.

Kaya naman proud na proud si Dingdong na ipinost din ito sa kanyang IG account.

Sabi ni Dingdong, “There are many things I admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breastfeeding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, I know that producing that precious milk is not easy.

“And because she is blessed with this, I salute her for choosing to donate her excess expressed milk to those who need it most.”

Siya nga pala, inilunsad ang Kapuso Primetime King at host ng Amazing Earth bilang brand ambassador ng Caltex sa kanilang National Geographic Record Rides nitong Hulyo 10, Miyerkules, sa Parañaque City.

Magiging bahagi si Dingdong sa campaign na “Enjoy the Journey."

JERRY OLEA: Kapuri-puri ang mag-asawang Marian at Dingdong, pati na rin ang kanilang panganay, sa makabuluhang gawaing ito.

Nawa’y lalong maging masagana ang gatas ni Marian para mas maraming ina at sanggol ang matulungan!

NOEL FERRER: Busy naman din si Dingdong sa bagong teleserye niya at sa Starstruck—at sa wrap around hosting ng kanyang environmental show, kakailanganin pa ba niya ang musicology-type ng show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Or mas type niya pa rin ang gatas?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close