Kylie Padilla, buntis sa second baby nila ni Aljur Abrenica

IMAGE Instagram

Buntis si Kylie Padilla sa second baby nila ni Aljur Abrenica.

Ito ang dahilan kaya hindi siya visible ngayon sa showbiz.

Sa November 2019 ang due date ni Kylie at halos magkasabay silang magsisilang ng kanyang young stepmother na si Mariel Rodriguez-Padilla, na buntis naman sa pangalawang anak nila ni Robin.

Ang gender reveal party nina Mariel at Robin na ginanap sa isang hotel sa Alabang, Muntinlupa noong June 29, 2019 ang isa sa mga huling event na dinaluhan ni Kylie.

View this post on Instagram

Being a kid with him ?

A post shared by ???? (@kylienicolepadilla) on

Hindi pa nagsasalita ang mag-asawa tungkol sa bagong blessing na darating sa buhay nila.

Pero may mga nakakapansin na sa kasalukuyang kalagayan ni Kylie sa mga litratong ipinu-post nito sa kanyang Instagram account na hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng followers niya.

View this post on Instagram

@apartment8clothing

A post shared by ???? (@kylienicolepadilla) on

Turning two years old sa susunod na buwan si Alas, ang panganay na anak nina Kylie at Aljur.

Ang TODA One I Love (February 4-April 17, 2019) ang last TV assignment ni Kylie bago siya nagbuntis sa second baby nila ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinasal ang Abrenica couple noong December 11, 2018.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close