Nagulat si Vic Sotto nang batiin siya ng "Sugod Bahay" winner ng Eat Bulaga ngayong araw ng "Happy Wedding!" Dahil dito ay kinantiyawan siya ng audience at ng EB hosts. Sabi ni Vic, naniniguro lang siya dahil baka maunahan pa raw siya ng AlDub. Kamakailan lang ay inamin ni Vic na engaged na sila ng kasintahang si Pauleen Luna.