Umaasa si Paul Soriano na mas mangiibabaw ang pagka-Pilipino ng mga Pinoy at unahin ang "Hele Sa Hiwagang Hapis" kesa sa superhero film na "Batman v Superman: Dawn of Justice" na parehong magbubukas sa March 26. Si Paul ang producer ng 8-hour film na idinirek ni Lav Diaz at pinagbibidahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.