Ayon kay Heart Evangelista, kung sakaling palaring manalong bise-presidente ang asawa niyang si Sen. Francis Escudeo at hilingin nito sa kanyang tulungan siya sa public service, willing daw siyang lisanin ang showbiz pansamantala. Ini-enjoy raw ng Kapuso actress ang paglilibot sa iba't ibang bahagi ng bansa dahil nakakausap niya at nakakasalamuha ang mga tao.