Mayor Rodrigo Duterte, muling tinawag na "bayot, elitista" si Mar Roxas sa campaign sortie ng PDP-Laban standard bearer sa Alabang ngayong gabi, April 8. Tahasan ding binatikos ng alkalde ang diumano'y ugnayan ni Roxas sa mga pribadong kumpanya na namamahala sa maintenance ng MRT at siyang dahilan kung bakit palpak ang sistema ng transportasyon ng tren.