Inanunsiyo na ang paggawa ng sarili nilang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza sa selebrasyon ng kanilang 9th monthsary sa Eat Bulaga! ngayong hapon, April 16. Ito ang sinasabing sorpresa nina Alden at Maine sa kanilang fans itataon sa unang anibersaryo ng AlDub loveteam sa July.