Nakuha ng Wil Productions staff at dancers ang unang suweldo nila nung Sept. 15, matapos silang mags

Nakuha ng Wil Productions staff at dancers ang unang suweldo nila nung Sept. 15, matapos silang magsimulang magtrabaho sa bagong production outfit ni Willie Revillame noong Sept. 1. Ayon kay Rocky Sevilla, executive producer ng Willing Willie, hindi totoong na-engganyo silang sumama kay Willie dahil may pangakong Camella house and lot. "Walang ganun! Ang benefits namin ay health card, bigas, next year may auto loan, pero walang usapang bahay at lupa!" Ngunit totoo raw na binigyan sila ng 20% increase sa kanilang mga dating suweldo. Kaya masaya ang mga dancers nila. Kung dati ay P850-P1000 a day sila, na sapat naman daw, ngayon ay may ipon na sila. Sa pep talk ni Willie sa kanila kahapon, Sept. 17, sinabi nitong, "Ang pangarap ko ay isang araw lahat kayo ay magkaroon ng sari-sarili niyong kotse."

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close