Talagang sobrang busy ni Lucy Torres-Gomez. Ubos ang linggo niya, sabi nga niya sa YES! team. Dagdag

Talagang sobrang busy ni Lucy Torres-Gomez. Ubos ang linggo niya, sabi nga niya sa YES! team. Dagdag niya, "Look at the bags under my eyes." Kasi naman, ito ang iskedyul niya: Lunes-Miyerkoles, nasa Kongreso bilang representative ng Leyte's Fourth District. Huwebes-Biyernes, nagti-taping ng The Sweet Life para Q11. Sabado, pahinga dapat, pero dito na rin ginagawa ang lahat ng nakabimbin na commitments, gaya ng pag-attend ng school games ni Juliana. Linggo, live siya sa P.O.5 ng TV5 at isinisingit din ang mga pictorials at interviews. Pagdating ng Lunes, uulit na naman ang iskedyul ng buong linggo. Naiiba lang ito kapag umuuwi siya sa Leyte upang direktang makipagkunsultahan sa kaniyang constituents. Pero wala pa ring pahinga.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close