Update 2: Hindi nakasama sa Anaheim si Tito Sotto dahil worried ito sa apong si romino at ang nanay

Update 2: Hindi nakasama sa Anaheim si Tito Sotto dahil worried ito sa apong si romino at ang nanay nitong sa Apol na kapwa nasa ospital dahil sa dengue. Si Michael V naman ay naudlot ang flight dahil may sore eyes ang isang anak nito. Nakasakay na ang komedyante ng PAL kasama ang asawa at apat na anak noong Huwebes, September 17, patungong Los Angeles, pero pinababa sila. Bagamat pumasa sila sa quarantine doctor ng NAIA, hindi naman sila pinayagan ng PAL doctor dahil baka makahawa. First time pa mandin ni Bitoy na sumama sa Bulaga Dabarkads in an out of the country show, naunsiyami pa. Nag-iyakan daw ang mga anak nito dahil all-set na silang magbakasyon at mamasyal after the show. Balak ding bisitahin ng pamilya ang nabiling bahay ni Bitoy sa may bandang Corona, California.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN