Update 1: Sunday ng 10 pm sa Los Angeles ang flight ng EB babes pabalik ng Manila. Nasa LAX na sila

Update 1: Sunday ng 10 pm sa Los Angeles ang flight ng EB babes pabalik ng Manila. Nasa LAX na sila nang ma-realize ni Molly Baylon na hindi pala naikarga ang mga bagahe niya bago umalis. Naging busy kasi ito sa picture-taking sa mga Pinoys na naka-book din sa Knotts Berry Farm Hotel sa Anaheim, kung saan nag-stay ang Dabarkads. Nag-iiyak ito sa airport dahil nandoon lahat ng pasalubong niya sa mga kamag-anak. First-time ni Molly and the rest of the EB Babes sa U.S. kaya excited silang namili. Agad kinontak ni Molly ang mga boss niyang sina Malou Fagar at ang kanang kamay ni Mr. Tony Tuviera na si Josie Tolentino, na agad namang gumawa ng paraan. In short, naihabol din ang bagahe ni Molly sa LAX bago pa sila lumipad via PAL. Siyempre, napagalitan si Molly ni Malou Fagar dahil siya pa man din daw ang tumatayong leader ng grupo, e, siya pa itong tila naging pabaya. Samantala, ang ibang Dabarkads ay 11:55 pm naman ang flight via Cathay Pacific.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN