Update 2: Napuno ng Dabarkads ang may 90% ng Heritage Forum sa Anaheim noong Sabado ng gabi(L.A. tim

Update 2: Napuno ng Dabarkads ang may 90% ng Heritage Forum sa Anaheim noong Sabado ng gabi(L.A. time). 2000 ang total capacity ng nasabing arena-type venue, pero nagdagdag pa ng mga improvised seats ang producer ng show. Lalo na sa VIP area na ang tickets ay nagkakahalaga ng 128 U.S. dollars. Sa panimula pa lang ng show ay humingi na ng paumanhin sina Vic at Joey on behalf of Tito Sotto at Michael V na parehong hindi nakaalis ng Pilipinas. Dinagdagan pa nila ng joke ang paghingi ng paumanhin. Sabi ni Vic, wag daw mag-alala ang mga taga-Anaheim at may baon silang dengue at sore eyes. Tawanan ang mga tao!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close