Bagamat inamin na nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na kasal na sila, may isa pang tanong na hi

Bagamat inamin na nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na kasal na sila, may isa pang tanong na hindi nasasagot: Para saan ang Ibaloi ceremony? Hindi maaaring para sa engagement nila ito gayong kasal na sila noong August 19. Para sa isang project ba? Sa panayam ng PEP kay Roxy Liquigan, ang ad prom director ng Star Cinema, aniya: "We have no Robin as far as I know." Sandaling bumitaw ito sa telepono at maririnig na may pinagtatanungan ng kung may alam silang pelikula ni Robin. Pagbalik sa telepono, ang sabi niya, "Wala. No one knows about a Robin film." Inisa-isa ni Roxy ang kanilang mga projects sa taong ito, "In October we have Kimerald, in November it's John Lloyd [Cruz]-Toni [Gonzaga], and in December it's the filmfest entries. We have three: Ang Tanging Ina with Ai-Ai [de las Alas], RPG, an animation movie, and Dalaw with Kris [Aquino]." Para naman sa 1st quarter ng 2012, "We have Bulong, a horror film by Chito Roo. That's Vhong [Navarro] and Angelica [Panganiban]. And of course we have the Aga [Muhlach] and Angel [Locsin]...directed by Olive Lamasan. Love story iyon, yes." Tinanong ng PEP kung saan pumapasok doon ang pelikula ni Robin. "Ay, wala akong alam. Wala. Walang dumadaang script sa akin, e dumadaan naman 'yan." Dagdag ni Roxy, "Before we had Robin with Toni [Gonzaga], but he backed out, di ba? Since then, wala. In the next five months, definitely wala." Nilinaw ng PEP na on-the-record ang phone interview. Sagot ni Roxy, "Oo, you're just asking me naman for the Star Cinema lineup. I gave it to you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close