Birthday blessings for Ai-Ai delas Alas

Nov 11, 2017

NOEL FERRER: Sa birthday ngayon ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, maliban sa forthcoming wedding niya sa December, marami ring career blessings na dumarating. 

May album siyang gagawin for GMA Records at may bagong pelikulang pinaplano para sa Regal Films slated for Mother’s Day. 

And guess kung sino ang napupusuan ng grupo ni Ai-Ai na gumanap bilang anak niya sa pelikula?

None other than Maine Mendoza whom she has already worked with in the Metro Manila Film Festival 2015 entry na My Bebe Love.

Happy birthday Ai-Ai, more blessings!!!

JERRY OLEA: Blessed 53rd birthday, Martina Eileen Hernandez delas Alas, Comedy Queen of Philippine Movies, Ang Tanging Ina, Recipient of the Pro Ecclesia et Pontifice, Our Mighty Yaya, Soon to be Mrs. Sibayan!

More and more ang blessings kay Ai-Ai, dahil lagi siyang nagbabahagi ng biyaya sa kapwa, lalo na kung kaarawan niya!

Tradisyon na ito sa kanyang buhay, bilang pasasalamat sa Panginoon at kay Mama Mary na hindi siya pinapabayaan!

Continue reading below ↓

Nalulugmok man siya ay paulit-ulit na nakakabangon!

Ang mga pagsubok ay kanyang nalalagpasan, kahit tinatraydor siya minsan ng mga kaibigan!

Juice colored! Para tayong mga Fairy Godfather sa tamis ng pagbati kay Ai-Ai!

Keribels bang intrigahin natin ang Reina Comedia sa tanging araw niya?!

GORGY RULA: Sana matuloy. Definitely, si Mother Lily Monteverde ang gustung-gusto niyan. Pero marami siyang pagdadaanan. 

Una, okay lang ba sa APT? 

Pangalawa, hindi kaya may plano naman ang APT kay Maine? 

Pangatlo, okay ba sa AlDub na wala si Alden? 

Fourth, gaano ba ka okay sina Ai-Ai and Maine? 

Fifth, uubra ba ang style nang pagtitipid ng Regal? 

Sixth, sa status ngayon ni Aia-Ai, kailangan pa ba nya yan lalo na't maging Mrs. Sibayan na siya? 

Seventh, uubra ba sila sa handler ni Maine na kala mo siya ang nagluwal sa batang 'yan? Dami pa! Isip pa ko!

Pasensiya na, nega ko na. Pero magandang project talaga 'yan! Kung maitatawid nila ang mga ganung konsiderasyon.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Pang-Mother's Day ang Ai-Ai-Maine movie?!

Ano na ang update sa AlDub movie na gagawin nila matapos ang kanilang primetime teleserye?

Well... may mga project si Alden minus Maine. Like yung short film with Nora Aunor na Kinabukasan, na bonus sa indie gay movie na 4 Days nina Sebastian Castro at Mikoy Morales.

Lumikha ng ingay kahit paano ang recent Martial Law TV special ni Alden minus Maine.

So, why not a Maine movie without Alden?

NOEL FERRER: Basta dapat kapag gumawa ulit ng pelikula si Ai-Ai, malagpasan na nito ang sinapit ng kanyang Bes and the Beshies na parang hindi nakakunek sa mga beshies. 

It seems like mas suwerte si Ai-Ai kung ang pagiging ina niya ang focus sa kanyang pelikula, hindi ba? 

After her recent best actress win in a Filipino film festival sa L.A. for Area, Ai-Ai needs a major box-office hit again; and I hope, itong bagong pelikulang pang Mother’s Day if ever ang bubuhay sa tradisyon ng Regal na naglalabas ng pelikulang pang-nanay!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Pang-Mother's Day ang Regal movie na Our Mighty Yaya, released last May 10. Kumita ito, in fairness!

Hindi nakatulong sa promo ng Bes and the Beshies ang chika tungkol sa nalalapit na wedding nina Ai-Ai at Gerald Sibayan.

Sa tulong ng siyensya, wish ko lang na magkaroon ng tanging anak sina soon-to-be Mr. & Mrs. Sibayan!

Kung nagka-Snow sina Dra. Belo at Hayden... alam na!

GORGY RULA: Uy! Speaking of sa tulong ng siyensya, ang pagkakaalam ko, may naka-preserve si Ai-Ai na egg cell niya para sa possibility na pagbubuntis through surrogacy, dahil keri pa naman ni Gerard at bagets pa siya. 

Ayaw lang ni Ai-Ai pag-usapan dahil sa bawal daw sa church, bilang Papal awardee siya. Kaya ayaw nya i-confirm iyan ha?! Abangan na lang natin!

Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results