TheWanForAnne wedding: Full of surprises!

Nov 11, 2017

NOEL FERRER: Pati mga guests, masosorpresa rin sa mga ganap sa kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Nasa Queenstown, New Zealand na ang karamihang dadalo sa wedding nina Anne at Erwan.

Base sa mga posts, kasama sa mga artistang lumipad na at dadalo sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Solenn Heussaff at asawang Nico Bolzico, Angel Locsin at Neil Arce, Nicole Anderson, Cheska Garcia, Karylle at Yael Yuzon, Jasmine Curtis-Smith, Danica Sotto-Pingris, Ryan Bang, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Nandun na rin sina Marc Nelson, Rovilson Fernandez, maging si Matteo Guidicelli (minus Sarah Geronimo).

Nandun rin ang manager ni Anne na si Veronique del Rosario-Corpuz at ang mga ninong at ninang na sina Kuya Kim Atienza and Virgie Ramos.

Ayon sa mga nandoon, alam raw nila na outdoor ang magaganap na kasalan. Pero tungkol sa mga eksaktong detalye, ang nasabi lang ng ilan, “No one knows. We don’t think it's a church. Erwan is keeping it under tight wraps.”

Continue reading below ↓

So pati ang mga guests ay masosorpresa rin sa magaganap na kasalan. Hintay na lang tayo sa mga bagong balita at posts na darating.

GORGY RULA: May nakausap ako na ramdam kong masama ang loob na hindi man lang siya naalalang imbitahin sa kasal ni Anne Curtis.

Ang naka-discover sa kanya at first manager niyang si Tita Annie Ayroso.

Siya ang nag-alaga sa actress/ TV host nung nagsimula siya sa showbiz 12 years old pa lang.

Sabi ni Tita Annie, "Siyempre, hindi na niya ako maalala niyan, milyonarya na siya."

Sabi ni Tita Annie, seven months daw tumira sa kanya si Anne nung 12 pa lang ito. Siya raw ang bumili lahat ng mga gamit niya mula sa underwear hanggang sa damit.

"Ang una nga niyang singsing, ako nagpagawa niyan. Pero siguro ngayon, napamigay na niya yun.

"Ako nagdala sa kanya sa Neo Films na nag-produce ng first movie niya na Magic Kingdom. Hanggang sa dinala ko na siya sa Viva. Mahigit one year din siya sa akin.

Continue reading below ↓

"Nang yumaman na, nakalimutan na ako kahit padalhan man lang ng isang bulaklak sa birthday ko," sabi pa ni Tita Annie.

NOEL FERRER: Siguro may Manila leg naman ang wedding celebration nina Anne at Erwan. Darating din ang pagkakataon na magkikita ulit at magre-reconnect sina Anne at Tita Annie.

And speaking of reconnection, isa sa mga inaabangang pagkikita sa New Zealand ay ang dating magkasintahang sina Luis Manzano at Angel Locsin na parehong aattend ng wedding nina Anne at Erwan.

Pareho naman na silang nakapag-move on with their respective new partners.

Businessman turned film producer Neil Arce for Angel and actress Jessy Mendiola for Luis.

Sino sa tingin niyo sa couples na ito ang susunod sa kasalang Anne at Erwan?

JERRY OLEA: #ErwAnne #TheWanForAnne Ito ba ang Wedding of the Year?

Kabog nito ang pag-iisang dibdib nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho Jr.?

May nag-tweet pa na PHP100M ang offer para sa TV rights ng kasalang ito.

Continue reading below ↓

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza) on

JERRY OLEA: Naka-705K na ang likes ng prenup photo na ito ng ErwAnne posted seven days ago on IG.

Goblin (starring Gong Yoo & Kim Go Eun) ang peg ng photo shoot.

Mapapanood muli ang Goblin simula Lunes, November 13, pagkatapos ng The Promise of Forever sa ABS-CBN.

Gloomy morning got me thinking about sunnier days. Take me back �???.. . : : . @sweet.escape @hendryyadhisna

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results