Kapuso reporter, may pasaring kay Atom Araullo?

Nov 11, 2017

JERRY OLEA: Ramdam na ramdam ang importansyang ibinigay ng GMA Network sa pagbabalik-Kapuso ni Atom Araullo.

Lubos ang promo ng Siyete sa TV special niyang Philippine Seas, na ipinalabas last Sunday (November 5), 3:30 p.m., at may replay ngayong 5:00 p.m. sa GMA News TV.

Tila may "nasagasaan" si Atom sa hanay ng mga pinagpipitaganang broadcaster ng GMA!

Turning point sa career ni Atom Araullo ang kanyang coverage sa Yolanda storm sa Tacloban four years ago.

Ang tapang at dedikasyon niya sa trabaho nung mga panahong iyon ay nag-angat sa kanya sa lipon ng mga news reporter ng bansa.

Makailang ulit siyang pinarangalan. Tumatak siya sa balana.

Lalo siyang namukod-tangi sa pagbibida sa Citizen Jake, ang comeback film ni Direktor Mike de Leon.

Ang pamamaalam niya sa Kapamilya Network ay may news value.

Ganun din ang teaser noon kaugnay sa pagdalaw niya kapagkuwan sa Kapuso Network.

Atom is on a league of his own.

Continue reading below ↓

Kaya deserve niya ang importansyang ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

GORGY RULA: Sa na-achieve ni Atom, may karapatan ba ang isang GMA News reporter na mag-comment ng di maganda laban kay Atom?

Mukhang walang kamalay-malay diyan ang nagbabalik-Kapuso dahil pag magkaharap sila, okay naman ang mga sinasabi niya. Pero pag wala si Atom, naiiba na ang dialogue? May alam ka diyan, Tito Noel [manager of Atom]?

Ano nga po ang sinabi nitong reporter, Tito Noel? Tipong, bakit daw big thing ang pagbabalik ng 'Prodigal Son'?

NOEL FERRER: Nabalitaan ko nga yung reporters’ thread na 'yan na, in fairness, karamihan naman ay maganda ang sinasabi about Atom. Pero may isang parang maasim ang naging reaksiyon. Sad lang kasi ang alam ko, katsikahan pa siya ni Atom, ha!

GORGY RULA: Sino na nga 'yan? Kapangalan ba niya ang baguhang aktor na leading man ng magaling na aktres na nagsulat ng pelikula niyang showing ngayon?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: As in ACTOR na talaga siya ngayon?

JERRY OLEA: May kapangalan rin na aktor na may dugong-banyaga at tunay na pogilicious?

NOEL FERRER: AKTOR talaga ang peg, hindi ba struggling star muna ang kapangalan?

GORGY RULA: Ay baka mag-react 'yang reporter na 'yan. Sabihin nya, "Kung gusto niyo lang i-promote ang replay ng Philippine Seas, wag niyo na akong gamitin!"

JERRY OLEA: How terrible! Kapangalan din niya ang isang tsar?!

NOEL FERRER: Kagamit-gamit ba kapatid? Naku, nananahimik si Atom ngayon sa Bangladesh doing his very first i-Witness feature. Sana maging mabait na lang itong reporter na ito lalo pa’t nakasama pa siya ni Atom sa shoot ng kanilang Christmas ID. Peace!!!

GORGY RULA: Baka naman na mis-interpret lang ang comment na yun? Hayaan na natin 'yan. Hindi na 'yan papatulan ni Atom, I'm sure.

Pero sure ka ba Noel na yung reporter lang na 'yan ang nagku-comment ng ganun kay Atom? Sure ka na wala nang iba?

Continue reading below ↓

Pero hayaan na nga 'yan. Watch na natin mamaya ang replay. Di ko napanood last Sunday, e.

JERRY OLEA: Human nature ang magdamdam...ang mainggit.

Sana matanggap ng reporter na iyan na mas maningning kesa sa kanya si Atom.

Mahusay makiharap si Atom sa mga tao, pati sa mga katrabaho.

Merry Christmas!


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results