A wedding and a funeral: Showtime Must Go On!

Nov 12, 2017

JERRY OLEA: Si Hashtag Franco lang ang hindi nakaharap.


NOEL FERRER: Talagang nakakalungkot ang balita tungkol sa pagpanaw ng sinuman lalo pa’t napakabata pa.

Nag-post ang manager ni Franco Lumanlan na si Erickson Raymundo ng Cornerstone na nagsabing, “It is with deep sadness and grief that we accept the news of Franco Miguel Hernandez Lumunlan aka "Hashtag Franco's" passing.

Continue reading below ↓

"He was a very promising talent and a true star in every sense of the word. He was passionate, hardworking, humble and liked by all. He lived his life following his dreams and made every second count.

"Franco was not just our talent, he was part of our family. And our hearts break into a million pieces for such a young life gone too soon.

"We will surely miss him.

"Rest In Peace our ever dearest Franco.

"#RIPHashatagFranco #hashtagfranco”

Pati ang business unit head na si Rielly Santiago na siyang instrumental sa pagbuo ng grupong Hashtag ay nagsabing “I wish I could ask God why the good die young. Rest in peace #Franco”

Nararanasan ng pamilya ng Showtime ang dalawang mukha ng showbusiness ngayon.

Habang nagsasaya ito sa kasalan nina Anne Curtis at Erwan Heusaff sa New Zealand, heto at haharapin nila ang pagluluksa sa yumaong Kapamilya na si Franco Lumanlan.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Hmmmnnn...kagabi pa ang statement ng Cornerstone...may tweets din ang ibang Hashtags members....trending...

A Wedding & A Funeral... Showtime Must Go On!

GORGY RULA: Para sa ikatatahimik ng pamilya ni Franco, mas mabuti sigurong paimbestigahan ang aksidenteng iyun para matiyak lang na walang foul play. Nakikiramay po kami.

NOEL FERRER: Mula mismo sa news teamn g ABS-CBN:

"Malita Police confirmed that Franco Miguel Hernandez Lumunlan died of drowning in North Lamidan, Don Marcelino at about 3pm today.

"According to PO2 Rolly Conad, Franco, a member of Showtime’s Hashtag, was on their way back to Don Marcelino on board a motorized banca together with his girlfriend, co-Hashtag member Tom Doromal, and two others, when big waves hit their banca. Franco and his girlfriend allegedly fell off from the banca.

"They were saved by the banca driver and crew, but Franco was already unconcious. He was brought to Estacion Medical Clinic in neighobring town of Malita, but was declared dead on arrival by attending phycisian Dr. Nimayre Macabaya."

Continue reading below ↓

Update: Body is at Cosmopolitan Funeral Homes, nasa coffin na. Our RNG staff assisting in preparation of papers for transport to Mla.

JERRY OLEA: Dalawa ang mukha ng showbiz—masaya at malungkot.

Damang-dama ito ng mga taga-It's Showtime.

Habang nagpapakasaya ang Showtime family kaugnay sa ErwAnne wedding, nagluluksa rin sila sa pagpanaw ng kasamahan nilang si Hashtag Franco.

Lumutang din ang kasabihan o pamahiin na "it comes in three's."

Ikinasal sina Kean Cipriano and Chynna Ortaleza. Ngayon itong ErwAnne. Susunod sina Ai-Ai de las Alas and Gerald Sibayan.

Pinaglalamayan pa lang ang mga labi ni Isabel Granada, yumao na si Hashtag Franco. Sana naman ay walang sumunod agad-agad sa kanya.

Magkasunod na nakakuha ng korona ang bansa sa timpalak kagandahan—para sa Miss Earth (November 4 sa Pasay City, Philippines) at Reina Hispanoamericana (November 4 sa Sta. Cruz, Bolivia).

Dito, umaasam ang marami na makasungkit muli tayo ng titulo—Miss International (November 14 sa Tokyo, Japan), Miss World (November 18 sa Sanya, China) o Miss Universe (November 26 sa Las Vegas, Nevada, USA).

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mula mismo sa isang taga-Showtime, tanggap ng pamilya na aksidente ang sinapit ni Franco at walang foul play na naganap.

Nandoon na ang pamilya pati na ang manager ni Franco na taga-Cornerstone pati na ang Regional Network Group ng ABS-CBN para ayusin ang paglipad ng labi ni Franco pa-Manila.

Balitang sa Arlington ang magiging wake nito na maaabutan naman ng mga taga-Showtime na babalik na mula sa kasal ni Anne Curtis sa Martes, November 14.

Muli, katulad ng kay Isabel Granada, ang aming pakikiramay sa pamilyang naiwan nitong mga kasamahan natin sa showbiz nang napakabata pa.

Read Next
Read More Stories About
Ynez Veneracion
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results