Precious Lara, umaasa sa back-to-back na panalo ng Pilipinas sa Miss International

Nov 12, 2017

NOEL FERRER: Ipinagdiwang ang ika-5 taon na si Noah, anak ni Miss International 2005 Precious Lara Quigaman at actor-model Marco Alcaraz sa isang simpleng children’s party sa lugar nila sa Parañaque.

Dinaluhan ito ng mga kaibigan at kaanak sa loob at labas ng industriya.

Natanong namin si Lara kung ano ang chances ng ating kandidata sa Miss International na si Mariel de Leon sa gaganaping pageant sa Martes November 14.

Ang sabi ni Lara, "I’m not sure if I’m the right person to ask, because i tend to be biased when it comes to all Miss Philippines in all international pageants, I always feel that we CAN win.

"But if I were to give an answer based on Mariel’s performance and looks—definitely!

"She’s so beautiful and very doll-like (which I think the Japanese people like). And she’s also very determined. We can give it a major shot—a back-to-back title win!

Continue reading below ↓

"Nothing is impossible even if it has never happened in the pageant history before, our Miss Philippines are all ready to conquer the international pageants with 2 titles and 2 placements just this month.

"Mariel will always have our support!”

Nang tanungin namin kung ready na rin ba siya sa puwedeng back-to-back na rin ni Noah na kapatid since naghahanap na ito ng kapatid after five years, ang sabi ni Lara, "Ready anytime!"


Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Kung matalo si Mariel sa Miss International 2017, makakaapekto ba ito sa MMFF 2017 entry na prinodyus, dinirek, at pinagbibidahan ni Coco Martin na Ang Panday?

Naisip siguro iyan ng Team Panday kaya kinuha nila si Miss International 2016 Kylie Verzosa bilang "other" leading lady ni Coco sa naturang pelikula.

Continue reading below ↓

Teka, si Maureen Wroblewitz (Asia's Next Top Model) nga ba ang first choice sa role na napunta kay Kylie?

At any rate, ang Venezuela ang pinakamaraming Miss International—pito. Nakuha nito ang nasabing titulo sa mga taong 1985, 1997, 2000, 2003, 2006, 2010, at 2015.

Ang Pilipinas ay anim na beses nagwagi rito—1964 (Gemma Cruz), 1970 (Aurora Pijuan), 1979 (Melanie Marquez), 2005 (Precious Lara Quigaman), 2013 (Bea Rose Santiago), at 2016 (Kylie Verzosa).

Tigtatatlo ng Miss International ang mga bansang Spain, Colombia, Poland, Australia, at USA.

Malalaman natin ngayong Martes kung sino ang kokoronahan ni Kylie bilang bagong Miss International.

GORGY RULA: Curious ako kung ano ang sasabihin ni Gloria Diaz. Di ba deretsahan niyang sinabing malabong magwagi si Maxine Medina? Tama nga siya!

Nag-wish naman siya ng good luck kay Winwyn Marquez dahil tingin niya may laban, at nagwagi.

Bakit kay Mariel parang wala akong naririnig? Nahihiya lang ba siya o respeto sa mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong? Kaya quiet na lang siya?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nang makausap ko kanina ang butihing ina ni Mariel na si Sandy Andolong-de Leon ang sabi niya, sobrang nag-e-enjoy sila sa stay nila sa Japan.

Ang sabi ni Sandy, “Japan is so clean & beautiful! Everyone here is so nice! Even our kapwa Filipinos who live here tell me that they defend Mariel daw sa mga bashers.

"Dapat daw positive na lang tayo sa kanya because she is representing our country. Will gladly update you. We're on our way back to Tokyo from Iwate."

Makikita raw ng kanilang pamilya si Mariel ngayong gabi, November 12.

Proud na proud si Sandy sa anak na si Mariel na kahanga hanga ang ginawang pag-awit sa isang official event ng Miss International kagabi.

Read Next
Read More Stories About
Precious Lara Quigaman
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results