Mariel de Leon at pamilya, nagkita sa Japan

Nov 13, 2017

JERRY OLEA: Mag-ala-Winwyn Marquez kaya si Mariel de Leon?

Nang una silang sumali sa Bb. Pilipinas, thank-you girls sila.

Lumahok si Winwyn sa Miss World Philippines at naging kinatawan natin sa Reina Hispanoamericana, kung saan natamo niya ang korona.

Nag-Binibini muli si Mariel, at ngayong Martes, November 14, ay magpapakitang-gilas siya sa Miss International sa Tokyo, Japan.

Parehong dugong-showbiz sina Winwyn at Mariel.

Si Winwyn ay anak nina Alma Moreno at Joey Marquez. Si Mariel ay anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

NOEL FERRER: Sobrang saya ng pamilya nina Sandy at Boyet de Leon nang makita si Mariel ngayon sa Tokyo bago mag-Miss International pageant sa Martes.


Continue reading below ↓

Sabi ni Sandy. “Saw Mariel today. She looks well & a lot thinner. There were many familiar faces that greeted her & she just felt good seeing family & friends who came here to support her & root for her.

"Some press people, Aces & Queens Jonas Mercator & her tito Nads. Some Filipino friends of Jonas from NY & North Carolina.

“She seems to be really just enjoying the experience. She looks confident but still leaves everything up to God.

“[Despite] the fact that all of them are really tired & lack sleep, she's just relieved & glad to see everyone. A lot of people wanted to take photos with her.”

“Her youngest fan is such a cute little pure Japanese girl who insisted to take a photo with her twice & even asked for her autograph.” 


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Maganda ang ganitong moment sa kanilang pamilya. Nakakatuwa ang suportang ipinapakita ng mga magulang ni Mariel na humihingi pa ng dagdag na dasal na sana manalo.

Nag-i-enjoy pa sina Boyet at Sandy sa masayang bakasyon dahil pagbalik nila ng bansa, mapapasabak na si Boyet sa taping ng bagong serye sa GMA-7 na may tentative title na Santa Santita.

Paano na ang Sana Dalawa ang Puso Ko sa ABS-CBN 2 na halos limang buwan siyang naghintay, hindi matuluy-tuloy ang taping?

Ang sabi naman ng manager ng aktor na si Lolit Solis, guesting lang daw itong sa GMA-7. Pero baka ituluy-tuloy na ng Kapuso network ang character ni Boyet.

Gagawin pa kaya nya ang sa Dos?

Si Sandy naman ay magsisimula na ng pelikula ni Bea Alonzo. Pero parang gusto na raw ni Sandy na umatras dahil ayaw na raw niyang magbiyahe ng malayo para mag-shoot.

Kaya pinag-iisipan na raw nyang huwag nang gawin.

Continue reading below ↓


NOEL FERRER: Mukhang role ng isang doting at proud mommy ang ginagampanan ngayon ni Sandy sa anak niyang si Mariel.

Yung Mama Wendy, ang Japanese guardian ng mga kandidata ay nakausap ni Sandy at natuwa ito sa sinabj sa kanya ng guardian tungkol kay Mariel.

“She was telling us how she just likes Mariel so much. She makes her daw the example for the group because Mariel is so well behaved & always on time.

Continue reading below ↓

"Mariel never complains & never gave her a problem. I was just so glad to hear it from her," sabi ni Sandy na tunay na proud sa kanyang anak.

No pressure daw. Mariel is just enjoying every step of the pageant; and she makes sure that she is at her best always.

But as the de Leon family says, “Let God take care of the rest!”

God bless, Mariel!

Read Next
Read More Stories About
Mariel de Leon
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results