Lulutang ang galing ng Pinoy sa mga programa ng ASEAN

Nov 13, 2017

NOEL FERRER: Natapos na ang gala dinner para sa mga ASEAN delegates kagabi, November 12, sa SMX Convention Center at naging showcase ito ng the best of Filipino talents, kasama sina Jed Madela, Darren Espanto, at Lani Misalucha na pinalipad pa galing Las Vegas.


Kasama rin sina David Ezra, Sam Shoaf, Grupo 20/21, Davao Tappers, Sining Kumintang, Dance Pull, at iba pa.

Continue reading below ↓

Ngayong umaga, November 13, ang natatanging vocalists na itatampok ay ang mga bida ng Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag musicale na sina Arman Ferrer at Lara Maigue, na kakanta ng excerpts ng RamaHari.


Kasama nila sa engrandeng Opening Show sa Cultural Center of the Philippines ang Philippine Philharmonic Orchestra, ang Kilyawan Boys Choir, Voces Aurorae Girls Choir, Los Cantantes de Manila, Joey Ayala at ang Bagong Lumad, Ballet Philippines, Agnes Locsin Dance Workshop Group, at ang Samasama Mega Crew.

Continue reading below ↓

Ang punong-abala sa Opening Ceremonies ay ang artistic director ng CCP na si Chris Millado.

Alas-tres ng umaga ang calltime ng mga performers kanina pa sa CCP, at ngayon, naka-standby na sila sa backstage ng CCP. Ang pormal na programa ay nagsimula ng 9 A.M. na ite-telivise at ila-live streaming.

JERRY OLEA: Ang tweet ni Jed Madela kagabi matapos mag-perform sa gala dinner ng 31st ASEAN Summit, "That was just surreal! To see all these dignitaries and heads of state give us a standing ovation!!! I am soooo proud to be Filipino!"

Nakakaaliw ang pag-awit ni PRRD ng "Ikaw" sa request ni POTUS Trump.

Pero nauna nang umeksena ang pogilicious Canadian Prime Minister na si Justin Trudeau nang agad-agad itong nag-Jollibee (North Harbor branch) sa bansa.

Read Next
Read More Stories About
Lani Misalucha
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results