Spotted sa Baguio: Maricel Soriano

Nov 13, 2017

NOEL FERRER: Napakasuwerte naman at natiyempuhan natin sa isang antique shop sa Baguio ang nagbabakasyong Diamond Star na si Maricel Soriano.

Binati natin siya sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa kanyang performance sa Maalaala Mo Kaya sa nakaraang PMPC Star Awards.

Sayang daw at pagkatapos ng pagdalo niya ng birthday party ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal ay tumulak na siya papuntang Baguio, na matagal nang naplano bago pa ang ASEAN holidays.

Pero sa pamamagitan ng PEP Alert Squad ay ipinaabot niya ang pasasalamat sa PMPC.

Sabi ni Maricel, "Siyempre, unang una, gusto kong magpasalamat sa mga bumubuo ng PMPC.

"Pasensiya na ho at naplano na namin ang pagpanhik dito (sa Baguio) kaya hindi ko masabi na makakababa ako kasi nakapanhik na ako.

"So, pasensiya na ho talaga, pero nagpapasalamat ako na napansin niyo ako. At minsan lang ako gumagawa ng Maalaala pero napansin niyo pa. Sana lagi niyo pa akong mapansin.

Continue reading below ↓

"Thank you very much po talaga. Maraming-maraming salamat."


In photo: Maricel Soriano with PEP Alert Squad member Noel Ferrer

GORGY RULA: Congratulations po kay Maricel. Magaling naman siya sa episode na yun ng MMK.

That role was originally offered to Lorna Tolentino, hindi lang siya available. Tapos ibinigay kay Amy Austria, pero nung umokey na yata si Maricel, sa kanya na ito ibinigay.

Continue reading below ↓

Sayang, di niya personal na natanggap kagabi. Nasa Baguio na kasi siya nang nasabihang pumunta siya. Kaya nagpa-TY na siya sa PEP Alert.

Ano ba pinamili nya diyan, Sir Noel?

NOEL FERRER: Salamat na lang nagpaunlak ng short interview si Marya sa atin sa kanyang napaka-personal na oras ng bakasyon.

Interesting ang mga pinamili niya sa suki naming si Greg Sabado sa Baguio. Bumili ang Diamond Star ng magaganda at matitibay na mga wooden at serving trays.

At nang tanungin ng isang kasama niya kung gusto niya ng mga fertility necklace, natawa ito at napatili ng, “Hindi ko kailangan niyan. Afraid!”

As always, nakakatuwa ang mga candid reaction ng nag-iisang Diamond Star.

JERRY OLEA: Marami pa bang Barrel Man at Phallus ashtray sa Baguio? Mas nakaka-fertile ang mga iyon!

Magandang pasalu ang fertility necklace sa mga bagong kasal o ikakasal pa lang!

Meron din bang fertility bracelet o fertility anklet?

Continue reading below ↓


NOEL FERRER: You know better Jerry kasi hanggang ngayon fertile ka pa rin... yes, your very fertile mind! Naks!

Read Next
Read More Stories About
Maricel Soriano
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results