Winwyn Marquez and other beauty queens, rarampa sa Under The Stars

Nov 13, 2017

JERRY OLEA: Isa si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez sa special guests ng Bench para sa 30th anniversary presentation nitong Under The Stars, sa Sabado night, November 18, sa MoA Arena.

Hindi ako makapaniwala..â?¤ï¸?ð??­ totoo toh diba? Maraming maraming salamat. â?¤ï¸? @pgloriaoficial

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on

Panauhin din doon sina Ara Arida (3rd runner-up sa Miss Universe 2013), Bea Rose Santiago (Miss International 2013), Cynthia Thomalla (Miss Eco Philippines 2017), Gwen Ruais (1st runner-up sa Miss World 2011), Hillarie Parungao (Miss World Philippines 2015), Joanna Eden (Bb. Pilipinas Supranational 2016), MJ Lastimosa (Bb. Pilipinas Universe 2014), Queenie Rehman (Miss World Philippines 2012), at Valerie Weigmann (Miss World Philippines 2014).

Siyempre, rarampa roon ang bagong Queen of Bench Body na si Maxine Medina (nasa Top 6 ng Miss Universe 2016).

Sa mga beauty queen na ito, sino ang aangat bilang Queen Under The Stars?

Sina Maxine, Lovi Poe, at Dominic Roque ay nag-judge sa go-see ng Bench noong September 24.

Nagreyna si Maxine sa preview ng palabas noong Oktubre 23 sa Ibiza Beach Club, BGC, Taguig City.

Continue reading below ↓

Nagpatikim din doon ang alindog nina Sanya Lopez, Kim Domingo, Bianca King at Beauty Gonzalez.
Maliban sa kanila ay pangabog din ang pa-bikini nina Lovi, Solenn Heussaff, Max Collins at Ellen Adarna.

Sa obserbasyon namin sa promo pix ng Under The Stars, pinakamaraming likes at retweets ay ang mga litrato ni Maine Mendoza, at kasunod at iyong photo ni Julia Barretto.

Rarampa rin sa Sabado night sina Ashley Ortega, Coleen Garcia, Gabbi Garcia, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Kim Chiu.

Magkakaalaman doon kung sinu-sino ang pinapalakpakan at sinisigawan nang husto, at kung sinu-sino ang dinededma ng fans.

Extended hanggang Sabado ng 3 PM ang promo para makakuha ng paanyaya sa palabas.

Read Next
Read More Stories About
Winwyn Marquez
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results