Gerald Santos balik-Pilipinas, magiging Kapamilya na?

Nov 14, 2017

NOEL FERRER: Dumating kagabi ng 10:10, November 13, via Emirates Airlines sa NAIA Terminal 3 ang ating bagong Miss Saigon touring group cast member na si Gerald Santos.

Noong Linggo, November 13, ipinost ito ni Gerald sa kanyang FB account, “It is with certain sadness that we will leave this beautiful theatre (Bord Gais Energy Theatre) here in Dublin, Ireland! Many Filipinos watched our shows in this theatre! They have been very supportive of us Pinoys in the cast!

"Today, I will take my holiday after 6 months of rigid rehearsals and daily performances in 3 cities. I will return to my beloved Philippines and share all my beautiful memories from this wonderful land, the UK!

"Thank you Sir Cameron Mackintosh for this super amazing experience! I will be back in 2 weeks to Cardiff, Wales to resume playing Thuy! For now, I will be back as the same simple Gerald you all knew! So excited to be home again! Kita-kita sa Pinas!!!"

Continue reading below ↓


Sa pangunguna ng kanyang tito at manager na si Rommel Ramilo, kasama ang kanyang Solid Team Gerald, naging mainit ang pagsalubong kay Gerald na naka-bonnet pa sa picture.


Continue reading below ↓

During his vacation, Gerald will explore the island of Palawan and spend time with his family na first time niyang hindi makakasama this Christmas because he will be busy with the Miss Saigon tour.

Maliban sa pagpapaunlak ng ilang guestings, tulad na lang sa “Level Up, Showbiz Saturdate,” nakatakdang sumabak sa recording si Gerald sa isang recording label at di kataka-taka kung mapapanood natin siyang muli sa telebisyon thru guestings.

Saang network kaya yun?

Posibleng sa network na kumupkop ng mga kasamahan niyang singers tulad nina Ogie Alcasid, Jaya, Kyla, Jay-R, atbp.

Aabangan natin si Thuy bilang Kapamilya?


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Welcome home, Gerald! Maganda yung mag-ikot muna sya sa mga guestings kasi, sa totoo lang, parang nakalimutan na siya.

May offer ba ang Kapamilya at Kapuso network?

Ang dami na kasing nagsulputang magagaling na singers, puwede na talaga siyang makalimutan nang tuluyan.

Kaya sana naman, habang namamayagpag siya bilang si Thuy aa Miss Saigon, sana may mga press release naman tungkol sa kanya kahit pasulput-sulpot lang para nasa kamalayan pa rin natin siya.

Ang naalala ko lang sa kanya, bukod sa mga di kagandahang isyu, siya ang may magandang version ng kantang "Maghintay Ka Lamang" na pinasikat noon ni Charice Pempengco. Ngayong Jake Zyrus na ito, sana ibalik uli ni Gerald ang magandang version ng naturang kanta.

NOEL FERRER: Mismo, kapatid na Gorgy. Hanggang November 26 pa sa Pinas si Gerald at pagkatapos nun, didiretso siya sa Miss Saigon Tour sa Cardiff, Wales!

JERRY OLEA: Si Gerald ang grand champion ng Pinoy Pop Superstar (Season 2) noong 2006 sa GMA 7. Ang first runner-up sa kanya ay si Aicelle Santos.

Continue reading below ↓

Tinagurian siyang The Prince of Ballad. Hindi siya masyadong minahal ng balana noon. Magaling naman siyang kumanta, pero parang may kulang sa kanya.

Nagpa-sexy pa siya sa photo shoot, di ba?

Bigla ko tuloy naalala si Caselyn Francisco....

GORGY RULA: Bakit hindi mag-surprise guest si Gerald sa Awit Ni Aicelle concert ni Aicelle Santos sa November 24 sa Music Museum?

Read Next
Read More Stories About
Gerald Santos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results