8 official entries ng MMFF 2017, inanunsiyo na!

Nov 17, 2017

NOEL FERRER: Ito ang eight official entries para sa 43rd Metro Manila Film Festival...

ANG PANDAY (CCM Creative Productions, Viva & Star Cinema)
Directed by Rodel Nacianceno; Starring Coco Martin




DEADMA WALKING (Trex Productions)
Directed by Julius Alfonso; Starring Joross Gamboa & Edgar Allan Guzman


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Makokopya kaya ng Ang Panday ni Coco Martin ang box-office success ng mga Panday movies nina FPJ & Bong Revilla sa mga nakaraang MMFF?

Mala-Die Beautiful din kaya ang suwerteng aanihin ng Deadma Walking?

Pero mukhang lalaban daw sa acting category sina Joross Gamboa & Edgar Allan Guzman?

NOEL FERRER: GANDARRAPIDO, THE REVENGER SQUAD (Star Cinema & Viva Films)
Directed by Joyce Bernal; Starring Vice Ganda, Pia Wurtzbach & Daniel Padilla




SIARGAO (Ten17 Productions)
Directed by Paul Soriano; Starring Jericho Rosales & Erich Gonzalez

Continue reading below ↓


GORGY RULA: So, eto na talaga ang final na title ng movie nina Vice Ganda?

Asahan nating mabuhay na naman ang isyu nina direk Paul Soriano at Erich Gonzales kapag i-promote na ang pelikulang ito. Magpapagamit kaya si Toni Gonzaga?

NOEL FERRER: ALL OF YOU (Quantum Films)
Directed by Dan Villegas; Starring Jennylyn Mercado & Derek Ramsay

Continue reading below ↓




HAUNTED FOREST (Regal Films)
Directed by Ian Lorenos; Starring Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal & Jon Lucas


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Parang nai-excite na ako! Kumpletong kumpleto ang mga pelikulang kalahok.

Pero ang sure ako na tubong lugaw sa walong pelikulang kalahok ay itong Haunted Forrest ng Regal Multimedia. Siyempre, bongga ang budget dito ni Mother Lily.

Eh, type pa naman ng mga MMFF audience ang horror, di ba?

NOEL FERRER: MEANT TO BEH (Mzet, APT & OctoArts Films)
Directed by Chris Martinez; Starring Vic Sotto & Dawn Zulueta




LARAWAN (Culturtain Musicat Productions Inc)
Directed by Loy Arcenas; Starring Joanna Ampil, Rachel Alejandro & Paulo Avelino

Continue reading below ↓


GORGY RULA: Parang ang saya-saya nitong MMFF 2017.

Mahirap hulaan kung alin ang mag- topgrosser. Pero parang ang daling hulaan kung alin ang mangungulelat sa takilya!

JERRY OLEA: Opo, Tito Mell Navarro! Ligwak po sa 43rd MMFF ang fantasy-romance ng Regal Films na My Fairy Love Story, starring ElNella (Elmo Magalona & Janella Salvador).

Continue reading below ↓

Pero tawa pa rin nang tawa ang representatives ng Regal. Pasok kasi ang horror movie nilang Haunted Forest.

“Ano ‘yan, hoping kayo na dalawa ang entries ng Regal?! Tatampalin ko kayo, eh!” bulalas ng kaibigan nila mula sa Team Larawan.

Laglag ang dramang The Significant Other, starring Lovi Poe, Tom Rodriguez, and Erich Gonzales.

Pasok sa banga ang movie ni Erich with Jericho Rosales na Siargao.

Di rin nakapasok sa Magic 8 ang dramang Madilim Ang Gabi, starring Gina Alajar & Phillip Salvador, pati ang Kuratong Baleleng movie na Bamboo Dogs, starring Rez Cortez & Dido de la Paz.

JERRY OLEA: Nag-back out si Jericho Rosales bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa rom-com na All Of You.

May isa pa kasing aspiring entry si Jericho sa MMFF 2027, ang Siargao, with Erich Gonzales and Jasmine Curtis-Smith.

Pinalitan ni Derek Ramsay si Echo sa All Of You, na noon pa pasok sa Magic 8.

Continue reading below ↓

Pumasok din sa filmfest ang Siargao.

Pam-best actor ba ang performance ni Derek sa All Of You?

“Ilalaban ko!” mataginting na bulalas ng executive producer na si Atty. Joji Alonso.

“He has a good chance!”

Malamang na maglaban sina Derek at Jericho sa pagiging best actor!

“Ay! Intriga agad!” nakangiting pakli ni Atty. Joji.

“It’s hard to say. Hindi ko pa kasi napapanood ang movie ni Jericho.

“Ask me again pag napanood ko na ang Siargao.”

Well, dapat panoorin din muna ni Atty. Joji ang musical na Ang Larawan, kung saan palaban bilang best actor si Paulo Avelino.

JERRY OLEA: Personal bet namin na mag-best picture sa 43rd MMFF ang musical na Ang Larawan.

De kalidad ang pelikula, na hindi kataka-taka kung humakot man ng mga tropeo sa Gabi ng Parangal.

Ano kaya ang reaksyon ng Team Larawan kung naligwak ito sa Magic 8?

“Aawit pa rin ho kami!” sabi ni Bb. Celeste Legaspi, producer ng pelikula.

Continue reading below ↓

Malakas ang laban ng kanilang bidang lalaki na si Paulo Avelino para sa best actor.

Sino ang manok nila sa kategoryang best actress?

“Si Joanna (Ampil)! Siya ang pinakamahirap ang role!” mabilis na tugon ni Celeste.

Sang-ayon dito si Rachel Alejandro, co-star sa Ang Larawan.

“Swak na swak si Joanna sa kanyang role. When you watch her in this film, kikilabutan kayo sa kanya!

“Isa siyang bakulaw!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results