Kilalang showbiz couple, nahuli dahil sa droga?

Nov 20, 2017

GORGY RULA: May ipinadalang info ang isang source ng PEP ALERTS na may isang kilalang showbiz couple na nahulihan daw ng droga kamakailan lang.

Nangyari raw ito sa isang beach resort somewhere in the north.

Hindi lang ito pumutok dahil kaagad daw naayos, kung saan nagkaroon daw ng bigayan ng malaking halaga.

Hindi lang masabi sa amin kung anong grupo ang tumanggap kaya tahimik ang lahat, at binura na rin daw sa blotter, kaya wala nang record.

Kaya pinaiimbestigahan niya sa amin kung nangyari nga ito.

Abangan na lang natin dahil kung totoong may ganitong pangyayari, lalabas at lalabas din ito.

JERRY OLEA: Ayon sa kaibigan naming labandera-plantsadora na presidente ng isang fans club ng showbiz couple, totoong nagtungo ang kanyang idols sa nasabing lugar sa North. May project silang ginawa roon.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hindi natin makukuha ang totoong picture ng nangyari dahil dun sa report na nagkabayaran.

Expect na natin ang denials o pananahimik ng mga taong involved dahil walang may moral authority sa awtoridad man o sa mga artista na maglabas ng mga natutunan kung pareho silang may liability at pananagutan.

Nakakalungkot lang dahil tila nawawala sa hulog ang mga popular na artistang ito. Sayang kung totoo.

JERRY OLEA: Mahirap mag-speculate. Mahirap magbintang.

Pero sumagi sa isip ko ang sabi-sabi, "Digital na ang karma, naka-wifi pa."

"Water seeks its own level, lalo na't nagwa-water-water ka."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results