Opening ng bagong negosyo ni Kathryn, dinagsa ng KathNiel fans

Nov 20, 2017

GORGY RULA: Binuksan ang second branch ng KathNails by kcmb, nail spa ni Kathryn Bernardo, noong Linggo, November 19.

Ang unang spa ng Kapamilya young actress na binuksan nung nakaraang May ay matatagpuan sa SM North Edsa, at itong pangalawa ay sa SM MOA.

Suportado ni Daniel Padilla ang mga negosyong binuksan ni Kathryn.

Sabi ni Kathryn, suportahan naman daw talaga sila sa kani-kanilang negosyo. All-out din daw ang suporta ni Kathryn sa District 8 ni Daniel.

Sabi pa ni Kathryn, sana matupad ang target nilang 2020/30. Sa year 2020 daw ay may 30 branches na ang KathNails.

Pagkatapos nitong sa SM MOA, may isa pa silang bubuksan sa Ayala Cloverleaf sa QC.
Gusto na raw niyang mag-invest pa sa mga negosyo habang kaya pa.


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Solid din ang suporta ng KathNiel fans, na ayon sa mga taga-SM, 7 AM pa lang ay nagsimula na silang maghintay sa 2nd level ng SM MOA. Kaya ang ilan sa kanila ay hinimatay na. Kaagad naman silang nilapatan ng lunas ng mga taga-SM MOA sa tulong ng mga staff ng KathNails.

Narinig namin si Kathryn na tsini-check kung okay na ba ang anim na fans na hinimatay.

Hindi naman nabigo ang mga fans dahil umikot sina Daniel at Kathry para makita silang dalawa.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Maging magandang halimbawa sana ang ginagawa ng KathNiel na pagtatayo ng mga megosyo bilang back-up plan sa kanilang pagiging artista.

Because of this, nakaka-create pa sila ng trabaho at nagagamit nila ang kasikatan para i-promote ang entrepreneurship.

Si Kath, may nail spa, she Daniel kabakas sa isang bar, di ba?

At least may napupuntahan ang kanilang kinikita sa showbiz at malaking bagay ang responsibilidad na kaakibat ng pagbubukas ng business.

After the ShaBin-JoshLia movie na ginagawa na ngayon ni Direk Cathy Garcia-Molina, ang sabi niya, gusto niyang maging last film na ididirehe bago siya mag-retire ay isang KathNiel movie.

Ibig bang sabihin ay next year na magaganap iyon?

JERRY OLEA: Noong Sabado, November 18, ang lakas ng palakpakan sa KathNiel nang rumampa sila sa Bench show sa MoA Arena.

Trending ang pa-kilig nila, lalo na nang halikan ni Daniel ang baba ni Kathryn.

Mabagsik pa rin ang ratings ng fantaserye nilang La Luna Sangre.

Continue reading below ↓

KathNiel ang pinakasikat na love team ngayon sa bansa!

Read Next
Read More Stories About
KathNiel, Kathniel fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results