Judy Ann Santos, leading lady na ni Allen Dizon sa pelikula

Nov 21, 2017

GORGY RULA: Ipinost na ng manager ni Allen Dizon na si Dennis Evangelista sa kanyang FB account ang kuha nina Allen at Judy Ann Santos.

Ang labo lang daw ng kuha niya. Pero malinaw na proud siya na Judy Ann na ang ka-partner ng award-winning actor.

Ang pagkakaalam namin, confidential pa muna ang malaking project na ito ni Judy Ann.

Kay Direk Brillante Mendoza ba ito, Sir Noel? Kuwento raw sa Marawi? Paki-share na po. Lumabas na rin lang, di ba?


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nauna na akong natuwa sa project na ito ni Juday nang naglabas siya ng post na nagsasabing noong araw, simpleng buhay lang naman talaga sila at walang waiting area, pero saksi niya ang dedikasyon ng mga gumagawa ng pelikula.

Sabi ko, hindi naman siguro ito ang set ng Dalawang Mrs. Reyes dahil may sarili silang dressing area at glam team ni Angelica Panganiban.

Hanggang sa tumawag na sa akin ang produksyon at pinaaayos ang schedule ng mga puwedeng makasama ni Juday sa napakahalagang pelikulang ito.

Matagal kasi nilang hinintay ang availability ni Juday, at nang magbigay na ng shoot dates ay talagang mag-a-adjust lang sana ang mga makakatambal niya rito sa dates na available siya.

May hinahabol din kasing deadline ang premyadong direktor nito kaya set na talaga ang sked.

Mula kay Dennis Trillo, Jericho Rosales, Luis Alandy, Paulo Avelino, at iba pa ay natanong na sa sked.

Continue reading below ↓

Pero si Allen ang mapalad na napagtiyap ang sked kay Juday!

JERRY OLEA: Suntok sa hangin, halik sa buwan na yata talaga ang reunion movie ni Juday with Piolo Pascual.

Mas bet ni Juday na maidirek ni Brillante Mendoza sa isang makabuluhang pelikula, kesa makipag-loving-loving muli kay Papa P.

Mas marami namang acting awards si Allen Dizon kesa kay Piolo, di ba?

Continue reading below ↓

At pang-international ang mga pagkilalang iyon sa pinakamamahal na talent ni Dennis Evangelista.

Dahil sa litratong iyan, tinatakan na ni Dennis si Allen bilang leading man ni Juday. Mabuhay!

JERRY OLEA: Siyempre, masayang-masaya si Allen sa pagtatambal nila ni Juday.

Aniya, “Dream project. Dream role. At ang saya, kasi, syempre Judy Ann Santos ‘yan. Napakahusay at napaka-professional!”

Tungkol sa kaganapan sa Mindanao ang makabuluhang pelikulang ito.

Makakapag-shooting kaya sila sa Mindanao?

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Allen Dizon
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results