CineLokal, bumped off ba dahil sa Justice League?

Nov 21, 2017

NOEL FERRER: Nakakabahala ang post ng director ng Sunday Beauty Queen na si Babyruth Villarama-Gutierrez na "State of Philippine Cinema," pagkatapos ay ang picture na na-post ay ang ad ng SM Cinemas na hindi nakasama ang CineLokal ng Film Development Council of the Philippines.

Halos lahat ng sinehan ng SM ay ang Hollywood film na Justice League ang palabas.

Sa calendar ng FDCP, ang nakatakdang ipalabas ngayong linggo ay ang Oscar entry nating “Birdshot” at “Patintero, Alamat Ni Meng Patalo” na kasama sa November program na Movies for and about Children.

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Anyare kaya? Nakakabahala ito, lalo pa’t wala rin tayong assurance na mananatili ang isang butas sa sinehan na naka-commit na magpapalabas ng mga independent films.

GORGY RULA: Na-check ko sa SM Megamall kagabi, November 20, ang sabi ng takilyera, kung ano lang daw ang naka-post sa schedule nila.

Ang nakita ko na local film sa schedule, 12 at Ghost Bride lang. Meron pa bang CineLokal?

Nag-text at tumawag ako kay FDCP Chairperson Liza Diño, hindi naman siya sumasagot. Baka may bagong project na naman siyang naisip na gustong pagkaabalahan?

JERRY OLEA: Walong sinehan ng SM ang pinagpapalabasan ng CineLokal (indie movies), na proyekto ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Saludo ako sa SM at ginawa nila ito para sa mga makabuluhang pelikulang Pilipino.

Salamat sa FDCP na walang humpay sa pagsusulong ng industriya ng local movies, ngunit higit ang pasasalamat ko sa SM sa kanilang generosity.

Lugi ang SM sa CineLokal, pero sige lang nang sige.

Continue reading below ↓

Kung tinatangkilik nang husto ng mga manonood ang CineLokal, mas madadagdagan ang mga sinehan nito.

Pero madalas na kalunus-lunos ang sinasapit ng mga pelikulang itinatanghal dito.

Nasaan ang mga kiyeme latik na nagmamahal sa sineng Pinoy? Bakit hindi nila mapasigla ang Cine Lokal?

Hahayaan na lang ba nilang matigok ang programang ito ng FDCP?

Itanong natin sa Department of Justice League.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results