Sexy female celeb, nagulat sa pasabog na regalo ng mysterious sender

Nov 22, 2017

GORGY RULA: Bilang nalalapit na ang Pasko, nagsisimula nang magbigayan ng Christmas gifts.

Ang sexy female celebrity na may dugong banyaga ay nakatanggap na agad ng regalo, pero walang nakalagay kung kanino nanggaling.

Naguluhan si sexy female celeb dahil hindi niya ma-gets ang ibig sabihin ng laman ng regalong ipinadala sa kanya.

Unang gift: isang box na may laman na toys & walkie talkie.

Hindi niya alam kung paano malaman kung kanino nanggaling ang naturang regalo.

Nang sumunod na linggo, may bagong regalo na namang dumating sa kanyang condo unit na di pa rin nya alam kung sino ang sender.

Natakot na siya sa pangalawang regalong nakarating sa kanya: isang box na ang laman ay isang airsoft gun na ginagamit sa laro.

Pero may kasamang pellets na bala na metal. Puwede pa raw makapatay yun.

Kaya pinayuhan na siyang magpa-blotter dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na regalong ipapadala o baka merong gawin sa kanya.

Continue reading below ↓

Ang latest na nabalitaan namin, tinanggal yung guard na tumanggap ng regalo dahil hindi dapat siya tumanggap kung di sinasabi kung kanino nanggaling.

Naging misteryo ito sa kanya kaya natatakot na raw siya.


JERRY OLEA: Ang airsoft guns ay replica weapons na ginagamit sa airsoft sports.

Noon eh sa recreational purposes lamang ang mga ito.

Continue reading below ↓

Pero simula noong 2012, ginamit na iyong training tool para sa malapitang labanan.

Generally safe ang airsoft guns basta may suot kang tumpak na protective gear.

Anong klase kaya ng airsoft gun ang ipinadala kay ate?

Is it spring-powered, battery-powered, gas-powered, o hybrid gun?

Ano ba ang ipinapahiwatig ng anonymous sender/s sa mga regalo?

Gusto ba niyang/nilang makipaglaro ng baril-barilan kay ate?

Gusto niyang/nilang matuto si ate na makipagbarilan?

O aalukin si ate na maging leading lady sa remake ng 1990 action movie ni Phillip Salvador na Ikasa Mo, Ipuputok Ko?

Read Next
Read More Stories About
blind item
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results