Rocco Nacino, nagtapos ng cum laude ng Masters sa Nursing

Nov 24, 2017

NOEL FERRER: Ngayong Biyernes ng umaga, November 24, nagtapos bilang cum laude ng Master of Arts in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College ang aktor na si Rocco Nacino.


Mangiyak-ngiyak ang lead actor ng Haplos habang kinukuha ang kanyang diploma.

Kausap natin si Rocco habang nasa graduation rites, ang sabi niya, “Naiiyak ako, Kuya Noel, nothing is sweeter than to see the smiles on my parents' faces.”

Continue reading below ↓

Matagal na naming napag-usapan ito ni Rocco dahil ito ang ikinaiba niya sa mga aktor na kapanabayan niya, matindi talaga ang kagustuhan niyang makatapos at maging magandang halimbawa para sa kanyang kapatid at kaibigan.

Sabi ni Rocco, “Graduations are for parents, it’s our best way of showing them our gratitude and love by valuing education which will be with us forever.”


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Congratulations, Rocco!

Kagaya ng sinabi ko noon na lahat na pinasok ni Rocco ay talagang kinakarir niya.

Kung di ako nagklakamali, si Rocco ang pinaka-older na sumali si StarStruck.

Nung batch nila, in-extend ang age limit, kaya pasok si Rocco at lumaban naman siya nang husto.

Kahit runner-up lang siya, napatunayan niyang siya ang pinakasikat sa batch nila, kasabay sina Sarah Lahbati & Sef Cadayona.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Rocco na pag dumating ang panahong di na gaanong maganda ang career niya, may fallback siya at nurse naman siya.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hindi biro ang mag-aral at magtrabaho (lalo na sa showbiz at the same time).

Bilang guro rin, grabe ang mga paghanga ko sa mga estudyante kong nasipagtapos kahit super busy sa kanilang commitments, katulad na lang ni Mikee Cojuangco noon.

Isang achiever bilang premyadong sportsperson (equestrienne) at bidang aktres noon—pero habang breaktime sa pelikula, hawak niya ang libro at papel para ayusin ang kanyang research papers.

Ganun din si Rocco, dalawang taon niyang binuno ang Masters in Nursing sa kabila ng kanyang showbiz commitments at pagpapatakbo pa ng kanyang businesses, ha.


Continue reading below ↓

Bukod pa ito sa kanyang physical fitness regimen na nagbunsod ng katawang inirampa niya sa Under The Stars Anniversary ng Bench.

Tama ka, Gorgy, iba ang pangangarir at FOCUS at COMMITMENT ni Rocco—na sana tularan ng karamihan nating artista.


JERRY: RT (Registered Nurse) na si Rocco Nacino nang sumali sa StarStruck V noong 2009 kung saan itinanghal siyang Second Prince.

Continue reading below ↓

Kasama niya sa Top 5 sina Steven Silva (Ultimate Male Survivor), Sarah Lahbati (Ultimate Female Survivor), Enzo Pineda (First Prince), at Diva Montelaba (Second Princess).

Nakakatuwa na sa edad niyang 29 years old ay nakapagtapos si Rocco ng masteral degree in nursing as a cum laude. Kaya pa ba niyang mag-doctoral degree?

Wish ko lang na maging malaking bituin pa si Rocco.

Mahal niya ang showbiz, kaya pwetmalu ang pagrampa niya sa 30th anniversary ng Bench.

Iyong pagbibidahan niyang Lapu-lapu movie, hindi natapos. Tuluyang ibinasura.

Ang MMFF 2013 movie niyang Pedro Calungsod: Ang Batang Martir, super-semplang. Kalunus-lunos ang sinapit sa takilya.

Hindi naman siguro ito dahil jinx ang award niya bilang New Movie Actor sa 28th PMPC Awards for Movies noong 2012 para sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Magka-tandem sila ni Sanya Lopez sa mga telefantasyang Encantadia at Haplos. May sapat bang lakas ang tambalan nila para magpasiklab sa takilya?

Continue reading below ↓

Tutal, seksi-seksihan sila pareho. Perfect sila sa remake ng Machete.

NOEL FERRER: Ok naman, pero I guess Rocco is made for bigger stuff.

During our talks, he can do edgier roles with really established partners.

Basta I can see Rocco doing a Dingdong Dantes, producing his own materials that would push his being an actor, a real committed artist.

Knowing him, he will make things happen!


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Rocco Nacino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results