Piolo Pascual, susunod na kaya kay Iza Calzado na magpapakasal?

Nov 24, 2017

NOEL FERRER: PiolIZa is back! Ang tandem sa Milan na inabangan ng mga tao sa Starting Over Again tapos sa teleseryeng Hawak Kamay ay nagbabalik sa bagong teleserye ni Piolo Pascual sa Dreamscape, alongside Arci Muñoz, Empoy, and Alessandra de Rossi.

Ni-request ni Piolo na mag-guest role si Iza sa bago niyang serye before Iza shoots for her new teleserye naman with Julia Barretto under Star Creatives.


Continue reading below ↓

Sobrang magkaibigan sina Piolo at Iza on and off camera kaya super updated din sila sa nangyayari sa kani-kanilyang buhay.

Ang sabi ay posibleng last ditch effort ito ni Piolo para magpa-cute kay Izadora bago ito magpakasal sa fiancé niyang si Ben Wintle next year.

Teka, si Piolo, di ba of-age na ring lumagay sa tahimik? Susunod na rin kaya siya, Boss Jerry at kapatid na Gorgy?

GORGY RULA: Sana talaga si Piolo na ang susunod na malagay sa tahimik.

Nakakatuwa siya dahil tiniyak muna niyang settled na ang mga kapatid niya, ang buong pamilya dahil sa mga negosyong ipinatayo niya.

Ngayon naman ay sarili na niya. Sana makatagpo na siya ng tamang partner na magbibigay ng katahimikan sa kanyang buhay.

Kahit sino man ang mapili niya, siya yung masasabing katuwang talaga sa buhay.

I'm sure yun din ang wish ni Iza sa kanya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: 40 years old na si Piolo. May anak na siya, na mahal na mahal siya.

Mukhang kuntento siya sa kanyang buhay. “Alone but not lonely,” ika nga.

Maraming ibang local actors na mas matanda sa kanya, hindi pa nag-aasawa hanggang ngayon.
Iyong iba, kinamatayan na ang pagiging single.

Ang iba naman, laging ikinakasal sa kama.

E, ang ex niyang si KC Concepcion, hindi pa ikinakasal. Her biological clock is ticking, kaya dapat na siyang bumuo ng pamilya.

Si Piolo, kahit abutin ng edad 70, keribels pang mambuntis lalo pa’t healthy living.

May mga kilalang personalidad kahit na kahit septuagenarian na eh mabangis pa rin ang dagta.

Huwag nating madaliin si Piolo.

Ang importante, masaya siya. May career hanggang ngayon.

Sa kabila ng lahat, maraming babae ang handang magpabuntis o magpakasal sa kanya.

Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual, Iza Calzado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results