Twitter party para kay Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, umaarangkada na!

Nov 24, 2017

JERRY OLEA: RT (retweet) nang RT kanina pa si Teri Onor, kesehodang ang hanash sa tweet eh walang wawa.Pati ako, nag-RT tungkol sa MayWard.

Eh, kasi nga, nag-iinit ang Twitter party ng mga Pinoy para kay Rachel Peters, ang kinatawan natin sa Miss Universe (mapapanood ang timpalak sa Lunes nang umaga sa ABS-CBN).

Nakakagigil na may maling hashtags na pinapakalat... Maling spellings ng Philippines.

Lalo kaming nanggigil sa update na nangunguna sa online voting si Miss Thailand. Pangalawa ang manok natin, at pangatlo si Miss Indonesia.

Eh, di ba, last January nang ganapin ang Miss U sa bayang magiliw, Thailand ang umariba sa pag-iingay sa web?

Malaking hamon sa mga Pinoy na kabugin si Miss Thailand sa twitterverse.

Kaya panay-panay ang paalala namin na mag-RT nang mag-RT, at huwag nang mag-like.

Hindi counted ang mga heart-heart na iyan.

Huwag nang pusuan, kundi mag-RT nang mag-RT ng tweets na may tamang hashtags #MissUniverse #Philippines.

Continue reading below ↓

Ang tweet (at nire-retweet) ay dapat walang emoji, tumpak ang spelling ng hashtags, at iyong dalawa lamang ang pa-hashtag.

Kaya kahit walang saysay ang tweet, RT kami nang RT for the love of Rachel Peters!

Para sa bayan! Para sa ekonomiya!

About last night �??? @missuniverse #phvegas

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

JERRY OLEA: Pati sina Bianca Gonzalez-Intal, Anne Curtis, at Megan Young, ka-join sa ongoing Twitter party.

More and more ang tweets, more and more din ang retweets. Keber na muna sa ibang isyu 101. Priority muna itong mga RT! Go! Go! Go!

Read Next
Read More Stories About
Rachel Peters
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results