Paghuhubad ni Markki Stroem sa teatro, walang pumapansin?

Nov 25, 2017

NOEL FERRER: Nang mapabalitang gagawin ang produksyon na Hair sa Greenbelt Onstage, may kaibigan akong performer na inalok ng lead role, pero ang kapalit ay ang nudity na kailangan daw talaga sa naturang musical.

Hindi na ito ginawa ng kaibigan ko at ang sumalo ng role ay si Markki Stroem.

Ilang linggo nang tumatakbo ang naturang musical at mukhang walang ingay na ganun—either sanay na sila sa pagpapasilip ni Markki na ginawa na niya sa pelikula na Amor Y Muerte o sa mga Bench Underwear shows—o waley na yung naturang eksena na crucial daw sa staging nito sa iba’t ibang parte ng mundo.

Deadma na lang ba ang madlang pipol sa pagbuyangyang nj Markki?



JERRY OLEA: Natuwa kami sa mga dialogue sa Cinemalaya 2013 entry na Amor y Muerte, na pinagbidahan nina Althea Vega, Adrian Sebastian at Markki Stroem.

Naaliw kami sa pa-itlog dito ni Markki.

Prosthetics yung nota ni Adrian sa frontal shot na malayo. Sa totoong buhay ay "dakila" si Adrian.

Continue reading below ↓

Si Althea, marami-raming indie movies ang nagawa. Mas abala siya ngayon sa pagpapaganda ng katawan.

Pwetmalu ang pagrampa ni Markki sa Bench denim & underwear show na Under The Stars kamakailan sa MoA Arena.

Pinag-usapan kahit paano ang kapangahasan at kuyukot niya.

Sa presscon ng Kapuso series na Kambal Karibal ay nagsalita si Marvin Agustin kaugnay sa malisyosong tsika sa kanila ni Marvin.

“He’s a good friend,” sabi ni Marvin. (May ulat dito ang PEP noong Nobyembre 22.)

Tungkol sa musical na Hair, wala pa kaming narinig tungkol dito.

Gusto namin itong panoorin, lalo pa’t makabuluhan ang palabas na ito ng Repertory Philippines.

Nobyembre 17 ito nagsimula, at Disyembre 17 magtatapos ang pagtatanghal sa Onstage Theater ng Greenbelt 1 Mall, sa Makati City.

Pwede kayang mag-react si Markki sa sinabi ni Marvin?



NOEL FERRER: Whatever happens, masaya ako kasi LOVE WINS dapat!

Knowing Marvin, he means well. The good thing about Marvin, wala siyang reputasyon ng pang-aagrabyado at pananapak ninuman.

Continue reading below ↓

Sadyang mahiwaga lang ang kanyang love life at lagi siyang nasa abroad for his business and pleasure trips.

Hindi ako naniniwala na sila ni Markki. Basta!

JERRY OLEA: Love Wins sa QC LGBT Pride March na ipagdiriwang sa Disyembre 9 sa Tomas Morato Extension, Quezon City.

Welcome ang lahat dito, straight man o member ng LGBT community.

Wish ko lang na suportahan ito nina Marvin, Markki, at iba pang celebrities.

Makabuluhan ang event na ito, kung saan may libreng HIV testing.

Rarampa sa parada ang Mr. Gay World 2017 na si John Raspado.

Hindi po siya naka-swimwear sa pag-rampage dahil medyo mataba siya these days.

Kahit sa play niya recently na Solo Para Adultos, nagmura ang kanyang tabs (abs na may taba).

Read Next
Read More Stories About
Marvin Agustin, Markki Stroem
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results