Unexpectedly Yours, ShaBin parang salamin ang JoshLia

Nov 25, 2017

NOEL FERRER: Kilig overload ang naging media conference kaninang hapon ng Unexpectedly Yours tampok sina Sharon Cuneta at Robin Padilla (ShaBin) kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto (JoshLia), sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ni-represent na lang ng Creative Producer na si Vanessa de Leon si Direk Cathy na kinailangan nang mag-post production work para sa pelikulang ipalalabas na sa Miyerkules, Nov 29.

Ikinuwento ang parallel at contrasting love stories ng ShaBin at JoshLia at parang sinasalamin nina Sharon at Robin ang kanilang sarili kina Joshua at Julia.

Ultimo yung mga “Napakataas mo, di hamak na simpleng tao lang ako” na hirit ni Joshua kay Julia ay ipinag-react ni Sharon ng “Ganyang ganyan kami noon,” sabay apir sila ng “kambal” niyang si Binoe na tinawag niyang “most favorite leading man.”

Nang tanungin si Robin if he minded na dapat si Gabby Concepcion muna ang ikinonsider na leading man ni Sharon sa project, sabi ni Robin, “Kahit panoorin ni Pareng Gabby ang pelikula, ako lang ang makakagawa ng ginawa ko rito. Hindi niya kaya ito,” na labis na ikinasaya at ipinapalakpak ng mga press na dumalo.

Continue reading below ↓

Napag-initan sa pelikula ang buhok at bigote ni Robin at tuluy-tuloy ang pakikipagbuno ng produksyon sa pagpapagupit at pagpapaahit kay Robin hanggang sa napapayag na siya para sa ikagaganda ng kanilang pelikula.

“Sobrang nakakaguwapo at nakakabata naman talaga kapag nakapag-ahit at nakapagpagupit ka,” sabi ni Sharon kay Robin na ang sabi’y ipinahinga muna niya ang pagmumukhang pang-rebolusyonaryo dahil tunay namang napakaganda raw ng kanilang pelikula.

JERRY OLEA: Takaw-pansin ang bigote ni Robin Padilla sa trailer ng reunion movie nila ni Sharon Cuneta na Unexpectedly Yours.

'Tsura ng bigote ni Kenneth Branagh bilang Hercule Poirot sa pelikulang Murder on the Orient Express, na gaya ng ShaRob (or ShaBin) romcom ay ipapalabas na sa Miyerkules, Nobyembre 29.

Sa pagharap ni Robin sa mediacon ng latest movie niya, waley na ang kanyang bigote.

Mas pogilicious siya, huh?!

Ang konsepto ng movie na ito ay iba sa reunion movie sana ni Sharon with Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Sabi ni Robin, “Ako lang ang makakaganap nito, walang iba!”

“Agree! Agree!” mabilis na sabi ni Shawie.

Dugtong ni Binoe, “Sa lahat ng inibig mo, ako lang ang makakaganap nito! Kahit mapanood n’yo ang pelikula, wala... si Robin lang ang makakaganap nito!

“Yan lang ang mayabang, eh! Walang makakaganap na ganyan kayabang!”

JERRY OLEA: Kahit lolo na si Robin at malapit nang mag-menopause si Sharon, petmalu pa rin ang pa-kilig nila.

Lodi!

Sabi ni Binoe tungkol sa pakikipagtrabaho muli kay Shawie, “Sa akin po, walang pagbabago siyempre... yun pong ako’y tagahanga niya; idol ko siya.

“Alam n’yo po naman, fan naman ako talaga. Pag nag-eeksena kami, lagi akong natutulala.

“Lagi kong sinasabi, ‘Sharon Cuneta. Sharon Cuneta.’ Andoon ako, hindi na ako nakaalis.

“Iyong kagabi, iyong kinunan na halik...

“Sabi ko, hahalikan ko na naman si Sharon Cuneta? Hindi na ho ako nakaalis doon sa fan mentality.”

Ay! Spoiler ang halik na iyan, ah?!

Continue reading below ↓

Mabilis na bulalas ni Robin, “Kayo naman, ang tanda na namin! Itong dalawa (Joshua Garcia at Julia Barretto) ang dapat tanungin n’yo kung may kissing scene.

“Kami (ni Sharon), pag nawalan ng kissing scene sa pelikula, pangit ‘yon!

“Pambihira! Ang tanda na namin... wow!”

Robin Padilla, avid fan pa rin ni Sharon Cuneta.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Read Next
Read More Stories About
Joshua Garcia, julia barretto
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results