Coco Martin, grabe ang sipag mag-promote ng Ang Panday

Nov 26, 2017

NOEL FERRER: Wala dapat inaaksayang oras ang mga may entries sa Metro Manila Film Festival para makapag-promote ng kani-kanilang mga entries.

Based on the on-ground activities at social media posts, tila nakauungos ang Ang Panday ni Coco Martin na despite his regular taping schedule ay nakapagpromote ng kanyang MMFF entry sa Bicol kahapon at sa Dagupan naman ngayon!

Wala siya iniinda kahit tawagin na siyang "Curacha, ang lalaking walang pahinga."

Iba talaga ang commitment ni Coco sa kanyang trabaho—lalo pa’t first directorial job niya ito at siya pa ang tumatayong lead producer ng proyekto.

Iba talaga yung ikaw mismo ay may taya sa iyong trabaho; mas mamahalin mo ito at pagsusumikapang maging matagumpay.




Continue reading below ↓


JERRY OLEA: Kitang-kita ang “Sea of People” sa mall tour ni Coco kahapon sa Legazpi City (Albay), at ngayong Linggo sa motorcade niya sa Dagupan City (Pangasinan).

Mas OK na si Coco na lang ang mag-promote ng MMFF 2017 official entry niyang Ang Panday.

Exciting ang pakikipagbakbakan ng bagong Panday sa Gandarrapiddo The Revenger Squad nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach.

Continue reading below ↓

Siyanga pala, na-enjoy ko ang animated film na Coco.

Coco-rot ito sa puso! Na-coco-iyak!

Ganyan din kaya ang Ang Panday ni Coco Martin?



Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nagpa-survey din kami sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH, tinanong namin kung alin ang tatlong pelikula sa MMFF ang una nyong panoorin, nangunguna ang Ang Panday, at sumusunod ang Meant to Beh at Gandarrapiddo. Mukha namang itong tatlong pelikula ang magbabakbakan sa takilya.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results