Juday at Ryan, magnininong at ninang sa kasalang Iza at Ben

Nov 27, 2017

NOEL FERRER: Sa huling monthly gathering sa bahay ng mga Agoncillos at parang pre-Christmas party na rin na dinaluhan ng pamilya at kaibigan nina Juday at Ryan, dumalo ang bagong engaged na sina Iza Calzado at Ben Wintle.

Kasama sa aming Christmas gathering sina Mommy Carol Santos at ibang mga Agoncillo, sina Bb. Joyce Bernal, Jane Buencamino, Allan Diones, at Rommel Gonzales; pati na ang grupo ng mga ninong at ninang nina Ryan at Juday sa kasal na sina Suzie Entrata-Abrera kasama si Paolo at mga anak nito, ang pamilya ng mahusay na photographer na si Bien Bautista at ang telecom boss na si Mon Isberto.

Pinamunuan ni Fr. Tito Caluag ang misa kung saan ang mga nag-assist sa kanya ay ang mga anak at pamangkin nina Juday at Ryan.

Pagkatapos ng masaganang salu-salo (refer to Juday’s post) na mismong si Juday ang nag serve ng kanyang ginawang Thanksgiving turkey na may kasama pang espesyal na pudding, nagkaroon ng exchange gifts at gift giving.

Continue reading below ↓

Bago magpaalamanan, sinolo nina Iza at Ben ang mag-asawang Juday at Ryan at kinausap ang mga ito kung puwede ba silang maging ninong at ninang sa kasal nila sa isang taon.

Bago pa man sumagot sina Ryan at Juday kinonsulta nila ang mga ninong at ninang nila na nandun at napakasayang sinabi nila na handang-handa na ang mag-asawang Agoncillo na mag-inspire at maggabay sa mga ikakasal.

#RelationshipGoals nga ang reference nina Iza at Ben kina Juday at Ryan; at maging si Suzi ay nagsabing handang-handa na ang mag-asawang Agoncillo na magkapit-bisig sa pagbubuo ng bagong pamilya nina Iza at Ben!

Ang saya lang ng naging pagtitipon ngayon talaga!


Continue reading below ↓

Baranggay Agoncillo after the Mass.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nakaka-good vibes ang ganitong item.

Unti-unti na tayo nakakakuha ng detalye sa kasalang Ben at Iza.

Nung nakausap ng PEP si Iza pagkatapos ng proposal, binanggit niyang baka Asian country daw ang venue ng wedding.

Saang bansa kaya Sir Noel?

Wala ba talaga sa plano nila na dito gaganapin ang kasal?

NOEL FERRER: Option pa rin naman nila na dito pa rin magpakasal sa Pinas. Isinaalang-alang din lang nila ang ibang kaanak ni Ben na manggagaling sa ibang bansa.

Pero oo, isang major consideration pa rin ang Pilipinas na isang Asian country pa rin naman—kaya pasok pa rin sa banga!

JERRY OLEA: Nabuo at tumibay ang friendship nina Iza at Juday dahil sa mga pelikulang pinagsamahan nila—Sabel (2004), Ouija (2007) at Mga Mumunting Lihim (2012).

Magandang halimbawa sina Juday at Ryan ng matatag na pagsasama, kaya nakakatuwa na maging gabay sila nina Iza at Ben.

Best wishes!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results