MMFF 2017 entry na Deadma Walking, graded A ng CEB

Nov 28, 2017

JERRY OLEA: Worth it ang pang-iipit ni Joross Gamboa sa kanyang jun-jun para sa pelikulang Deadma Walking.

Hindi dinedma ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang MMFF entry nila ni Edgar Allan Guzman, bagkus ay pinagkalooban ng gradong A.

Palanca awardee ang screenplay nito, at gandara ang pagkakasalin nito sa pelikula.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Magandang regalo ito kay Joross na nagdiriwang ng birthday ngayon. November 28.

Sana maging simula ito ng marami pang Rated A films para sa Metro Manila Film Festival ngayong taong ito para rin patotohanan na maayos ang kalidad ng mga napiling pelikula ng Selection Committee chaired by National Artist Bienvenido Lumbera.

Sana magkunek ito sa mga viewers, especially since ang mga tampok rito ay mga underrated pero tunay na awarded at mahuhusay na aktor.

JERRY OLEA: Walang ilusyon ang Deadma Walking na maging TOP grosser, pero sa grado nitong A mula sa CEB ay huwag sa itong maging Power BOTTOM.

Huwag nang kuwestyunin ang pagkakapasok nito sa MMFF 2017. Remember, iyong Kabisera ni Nora Aunor eh nag-qualify sa MMFF 2016?

Nang rebyuhin ito ng CEB, deadma sila sa merits nito.

So, may laban si Joross na maging Best Actor, at si Edgar Allan para sa Best Supporting Actor.

Continue reading below ↓

Last year, ang MMFF Best Actor ay si Paolo Ballesteros, at ang Best Supporting Actor ay si Christian Bables — para sa papel nilang bilang bading na best friends sa Die Beautiful.

Will History repeat itself?

Well, mahigpit ang mga katunggali ni Joross... sina Paulo Avelino (para sa Ang Larawan), Jericho Rosales (para sa Siargao), at Derek Ramsay (para sa All of You).

Dark horses sina Bossing Vic Sotto (para sa Meant to Beh) at Coco Martin (Ang Panday).

And the winner is... Vice Ganda (Gandarrapido)?!

GORGY RULA: Bukod sa Deadma Walking na binigyan ng CEB ng Grade A, naka-Grade B naman ang Barbi:D' Wonder Beki ni Paolo Ballesteros na magbubukas na sa mga sinehan bukas.

Dito, ipinapakitang magandang material pa rin ng iaang pelikula ang kuwentong beki.

Bentang-benta pa rin sa mga manonood ang beki movies mapa-drama man o comedy.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Graded A din ang nakuha ng Unexpectedly Yours ng Star Cinema tampok sina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Julia Barretto, at Joshua Garcia; at tiyak in high spirits ang lahat sa premiere night ngayon sa SM Megamall.

Swerte talaga ang mga may birthday ngayon nabiyayaan din ng Grade A si Direk Cathy Garcia-Molina na ka-birthday ang barkada at favorite actor niyang si Joross Gamboa! Maligayang Bati!!!

JERRY OLEA: Yehey! Trailer pa lang ng ShaRob-JoshLia film, nakaka-excite na!

Positive ang mga vibes nito, salat sa mga nega-nega!

Tunay na magandang panoorin ang Unexpectedly Yours, hindi nakakahiyang irekomenda!


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results