Leading lady ni Alden Richards sa Magpakailanman, nakatikim ng bashing mula sa AlDub fans

Nov 29, 2017

GORGY RULA: Umani ng batikos at bashing mula sa ilang AlDub fans ang baguhang young actress na si Reese Tuazon.

Si Reese ang partner ni Alden Richards sa Marawi episode ng Magpakailanman na ipinalabas nung nakaraang Sabado ng gabi, November 25.

Hiningi ng PEP Alerts sa GMA Artist Center ang reaksiyon ni Reese kaugnay dito.

Ang dating kasi sa ibang fans ay ginu-groom na si Reese bilang bagong love interest ng Pambansang Bae.

Narito ang kabuuang statement ni Reese na ipinadala ng GMAAC sa PEP Alerts:

"Regarding the bashing of some Aldub fans, I respect and understand how they feel. I would like to let them know that the project with Alden was something I did not expect.

"However, it was a very good opportunity for me to learn and hone my skill as an actress. It was plainly just for work, nothing personal to it.

"On the other hand, I would like to thank everyone who showed support and kindness. Thank you."

Continue reading below ↓


JERRY OLEA: “Fearless.”

Tweet iyan ni Jake Zyrus bilang reaction sa open letter ni Maine sa Aldub Nation, kung saan sinabi ng dalaga na hindi kailangang maliitin ang pagkatao ng iba at hindi sila kailangang tirahin ng masasamang salita.

Inalipusta kasi si Jake Ejercito kaugnay sa tsikang nag-date sila ni Maine.Maraming fans ni Maine ang nakaunawa sa kanyang saloobin at pakiusap.

Continue reading below ↓

Meron ding mga hitad na nagbantang magsu-suicide sila.

Itong mga hitad na makikitid ang utak ang nagmaliit sa pagkatao ni Reese.

Kahiya-hiya ang mga hitad na ito na walang pakundangan at walang respeto sa kanilang idolo.

Nagbu-boomerang sa mga hitad na ito ang masasamang salita na ipinupukol nila sa nakatrabaho ni Alden sa Magpakailanman.

NOEL FERRER: In the end, you will end up with the fans that you deserve; at tulad ng nasabi ko noong una, extension ang fans ng kanilang idol; kaya level up talaga sa level na paghanga at pagiging faney ang challenge ngayon.

Pero may effect ba ang usaping ito sa nasagap nating claims ng MMK (katapat ng Magpakailanman) na kahit na-late silang umere ay nakaungos pa rin sila sa rating ng anniversary episode ng Magpakailanman starring Alden Richards? How true?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results