Sharon-Robin vs Paolo: Sino ang wagi sa box office?

Nov 29, 2017

JERRY OLEA: Expected kong mega-lakas sa takilya ang Unexpectedly Yours ng ShaRob at JoshLia.
Taba-taba, este, tiba-tiba ang Star Cinema!

Andaming nanood sa 2:45 PM screening nito sa Glorietta (Makati City), huh?!

Sa mga pelikulang palabas sa mall na ito, pinakamaraming moviegoers sa Unexpectedly Yours.

Panalo ang bed scene nina Sharon at Robin. Swabeng-swabe ang kilig ng kanilang kissing scenes. Hindi pilit!

Halos dalawang oras ang running time nito, pero bitin pa ang ibang manonood.

Nakulangan sila sa mga eksena nina Joshua at Julia.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: I just came from our MMFF meeting and I was asking some of the theater operators about the box-office results ng mga pelikulang ipinapalabas.

Medyo mahina ang Barbi: D’ Wonder Beki na naging limitado ang mga sinehan na pinagpapalabasan. Hindi rin ito masyadong dinala sa mga sinehan sa probinsiya.

Ang dinig nami’y mas malakas pa raw ang Trip Ubusan sa unang araw nito na kinatampukan pa rin ng may birthday na si Paolo Ballesteros. Sana ay pumik-up pa ito sa mga susunod na araw.

Aminadong malakas talaga ang tambalang Sharon-Robin, kasama pa sina Joshua at Julia.

Kung magtutuluy-tuloy ang trend at ma-sustain ang lakas nito hanggang sa MMFF, puwede itong humabol sa box-office gross ng Kita Kita. (Siyempre iba naman ang puhunan at nature ng dalawang projects na ito, pero masaya tayo na bumabalik sa sinehan ang mga Pinoy audiences.)

Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

JERRY OLEA: Konti lang ang nanonood ng Barbi, D’Wonder Beki na nasa maliit na sinehan ng Glorietta.

Continue reading below ↓

Mas marami ang nanonood ng Wonder.

Palabas pa rin ang Justice League, kung saan tampok si Wonder Woman.

Konti rin lang ang nanonood ng Murder on the Orient Express sa Glorietta, pero halos sold out ang 7:40 PM screening nito sa Greenbelt.

Walang sinehan sa Greenbelt ang Unexpectedly Yours at Barbi, D’Wonder Beki.

Ang wonderful update ni Shalala, pumi-pick up ang Barbi, D’Wonder Beki pagkagat ng dilim.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results